Si Diego Castro o Angelo Diego K. Castro III ay isang artista sa Pilipinas. Anak siya nina Angelo Castro, Jr. (kilalang reporter sa telebisyon) at June Keithley Castro. Kabilang sa mga palabas ni Castro ang Gimik, Esperanza, at TGIS. Noong Abril 2012, lumabas si Diego sa teleserye ng GMA Network na Kasalanan Bang Ibigin ka na kinabibilangan nina Geoff Eigenmann, Michael de Mesa at Jackie Rice. Gayundin, nakasama siya sa The Borrowed Wife at Strawberry Lane noong 2014. Noong 2015, gumanap siya sa Pari 'Koy bilang pampanauhin aktor. Sa kasalukuyan isa siyang tagapagbalita sa Wikang Ingles English sa Why News ng UNTV Network. Tulad nang kanyang ama, layunin niyang tumagal at umasenso sa larangan ng media.

Diego Castro
Kapanganakan30 Nobyembre 1975
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Trabahoartista, artista sa telebisyon
AnakClaire Castro[1]
Magulang
  • Angelo Castro Jr.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://www.msn.com/en-ph/entertainment/other/why-does-claire-castro-feel-pressured-for-nagbabagang-luha/ar-AAMNkh2.
  2. "Angelo Castro Jr. succumbs to cancer". 5 Abril 2012. Nakuha noong 8 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Telebisyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.