Digmaang Sibil ng Espanya

(Idinirekta mula sa Digmaang Sibil sa Espanya)

Ang Digmaang Sibil ng Espanya ay isang pangunahing hidwaan na sumalanta sa Espanya mula 17 Hunyo 1936 hanggang 1 Abril 1939. Nagsimula ito pagkaraan ng isang kudetang tinangkang isagawa ng isang pangkat ng mga heneral ng Hukbong-Katihan ng Espanya laban sa pamahalaan ng Ikalawang Republika ng Espanya, na noon ay nasa ilalim ng pamumuno ni Manuel Azaña. Ang makabayang kudeta ay may pagtangkilik ng konseratibong Kastilang Konpederasyon ng mga Karapatang Awtonomo (Ingles: Spanish Confederation of the Autonomous Right, Kastila: Confederación Española de Derechas Autónomas, o C.E.D.A), mga monarkistang kilala bilang mga pangkat Carlista, at ng Pasistang Falange (Falange Española de las J.O.N.S.) [en].[1] Kasunod ng kudetang militar, lumaganap ang mga rebolusyon ng mga manggagawa sa buong bansa bilang pagsuporta sa pamahalaang Republikano, subalit ang lahat ay marahas na nagupo ng hukbong-katihan. Nagwakas ang digmaan sa pagtatagumpay ng mga puwersang nasyonalista, ang pagkapatalsik ng pamahalaang Republikano, at ang pagtatatag ng estadong awtoritaryano na pinamunuan ni Heneral Francisco Franco [en], bilang El Caudillo [en]. Pagkatapos ng digmaang sibil, ang lahat ng mga partidong makakanan ay isinanib sa partido ng estado ng rehimen ni Franco.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Payne, Stanley Fascism in Spain, 1923-1977, Imprenta ng Pamantasan ng Wisconsin, pp. 200-203, 1999.
  2. Stanley G. Payne. Fascism in Spain, 1923-1977. Books.google.com. Nakuha noong 24 Hunyo 2009.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.