Dinamarka-Noruwega

Ang Kaharian ng Dinamarka-Norwega (Danes at Norwego: Danmark–Norge; Aleman: Dänemark–Norwegen) ay isang lumang pangalan ng dating soberanong bansa na binubuo ng mga kaharian ng Dinamarka at Norwega, kasama ang mga dating-Norwegang mga teritoryo ng Islandia, Groenlandia at Kapuluang Peroe. Pagkatapos ng paghihirap dahil sa pagkakawatak-watak ng pinanggalingan nito, ang Unyong Kalmar, ang dalawang kaharian ay nagsang-ayunan na magkaisa noong 1536, na tumagal hanggang 1814. Ang kabagay na pang-uri at nasyonalidad ay "Dano-Norwego."

Mapa ng Dinamarka-Norwega, bandang 1780.
Watawat

Ang katagang "Kaharian ng Dinamarka" ay minsang ginagamit sa pagtukoy sa pinagsamang dalawang bansang ito sa kapanahunan ng 1536-1814, dahil ang kapangyarihang pampolitika at pang-ekonomiya ay nagmumula sa Copenhague, Dinamarka. Ang kataga ay sumasaklaw sa "monarkong bahagi" ng mga Oldemburgo base sa 1460, hindi kasama ang mga "dukadong bahagi" ng Schleswig at Holstein. Ang pangasiwaan ay gumamit ng dalawang wika, Danes at Aleman, at sa loob ng ilang mga siglo umiral ang tig-isang diplomasyang Danes at Aleman.[1]

Naghiwalay ang Dinamarka at Norwega nang magtiwalag ang unyon noong 1814. Ang Islandia, na ayon sa batas ay naging isang teritoryong Danes noong 1814, ay naging malayang bansa noong 1944.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rigsarkivets Samlinger. Arkivalier før 1848. Danske kancelli 1454–1848; Rigsarkivets Samlinger. Arkivalier før 1848. Tyske kancelli.



  Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.