Diperensiya ng palaiwas na personalidad

Ang diperensiya ng palaiwas na personalidad, diperensiya ng nababahalang personalidad, diperensiya ng nag-aalalang personalidad, o diperensiya ng nababalisang personalidad (Ingles: avoidant personality disorder o anxious personality disorder) ay isang sikyatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng patuloy na paulit-ulit na pagpipigil sa pakikisalamuha sa iba (social inhibition), pakiramdam ng kakulangan sa sarili, labis na pagiging sensitibo sa negatibong mga puna at paglayo sa pakikisalamuha sa mga tao. Ang mga indibidwal na may diperensiyang ito ay itinuturing ang kanilang sarili na hindi umaangkop sa mga pakikipagugnayan sa ibang mga tao at umiiwas na makisalamuha sa takot na laitin, hiyain, itakwil o hindi magustuhan. Ang diperensiyang ito ay karaniwang napapansin sa maagang pagtanda (adulthood). Ang pagpapabayang emosyonal sa mga bata at pagtakwil ng mga kaibigan (peer rejection) gaya ng panliligalig (bullying) ay nauugnay sa karagdagang panganib ng paglitaw ng diperensiyang ito sa isang indibidwal.

Diperensiya ng palaiwas na personalidad
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
ICD-10F60.6
ICD-9301.82
MedlinePlus000940
eMedicineped/189
MeSHD010554

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.