Diperensiyang histrioniko na personalidad
Ang Diperensiyang histrioniko na personalidad (histrionic personality disorder) ay isang saykayatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng isang katangian ng labis na pagkamaemosyonal at paghahanap ng pansin kabilang ang isang labis na pangangailangan balidasyon na maaprubahan at hindi naaangkop na mapang-akit na pag-aasal. Ang personalidad na ito ay karaniwang nagsisimula sa maagang karampatang gulang. Ang mga indibidwal na ito ay masigla, dramatiko, masigasig, at malandi at banidoso, paniniwalang sila ay sobrang maganda o pogi. Bukod dito, ang mga indibidwal na ito ay naghahayag ng malakas na emosyon na may istilong panggagaya at madaling maimpluwensiyahan ng iba. Ang kaakibat na mga katangian ay egosentrismo(sobrang pagpapahalaga sa sarili), malayaw sa sarili, patuloy na paghahanap ng papuri at pagiging manipulatibo o mapagpapaikot sa ibang tao upang makamit ang mga kagustuhan. Sa salitang balbal, sila ay tinatawag na epal, kulang sa pansin o papansin.
Diperensiyang histrioniko na personalidad | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | F60.4 |
ICD-9 | 301.50 |
MeSH | D006677 |