Diplomasya

(Idinirekta mula sa Diplomat)

Ang diplomasya ay isang sining at pagsasanay ng pangangasiwa ng mga negosasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng mga pangkat o mga estado. Kadalasang tumutukoy ito sa internasyunal na diplomasya, ang pangangasiwa ng internasyunal na ugnayan sa pamamagitan ng mga propresyunal na mga diplomatiko kasama ang pagsaalang-alang sa mga usapin ng paggawa ng kapayapaan, kalakalan, digmaan, ekonomika at kultura. Kadalasan may mga internasyunal na mga kasunduan ang inareglo muna ng mga diplomatiko bago ang pagtitibay ng pambansang mga politiko.

Ang Mga Nagkakaisang Bansa, na nakahimpil sa Lungsod ng Bagong York, ay ang pinakamalaking internasyunal na diplomatikong organisasayon.
Ger van Elk, Symmetry of Diplomacy, 1975, Groninger Museum.

Sa kagamitang impormal o panlipunan, gawain ng taktika ang diplomasiya upang makamtan ang estratehikong kapakinabangan o upang makahanap ng mga kalutasang tinatanggap ng bawat isa sa isang karaniwang hamon, isang pangkat ng mga kagamitang nagiging pagbigkas ng mga pangungusap sa gawing hindi naghaharap, o magalang.

Pinagmulan ng salita

baguhin

Nagmula ang salita sa Griyegong salita na "diploma", nangangahulugang 'tiniklop sa dalawa' sa literal.[1] Sa lumang Gresya, isang katibayan ang diploma na pinapatunayan ang pagtatapos ng isang kurso ng pag-aaral, karaniwang tinitiklop sa dalawa. Noong panahon ng Imperyong Romano, ginamit ang salitang "diploma" upang isalarawang ang mga opisyal na dokumento sa paglalakbay, katulad ng pasaporte at pahintulot para mga kalye ng imperyo, na nakatatak sa dobleng metal na plato. Sa kalaunan, napalawak ang kahulugan upang isalarawan ang ibang opisyal na dokumento katulad ng mga kasunduan sa mga banyagang tribo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Diploma". Wordsense:Dictionary. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.