Disenyo ng Sistema

Marming pumapasok sa pagdidisenyo ng isang sistema. Marami kang kailangang impormasyon para maging basehan sa paglikha ng mga iba’t ibang tungkulin nito. Unang unang kailangan tukuyin ay ang konteksto nito. Para saan ba ito gagamitin? Susunod na kailangan tukuyin ay ang layunin nito. Ano ba dapat ang gagawin ng sistemang ito? Ano ang pumapasok at ano ang ilalabas? Ano ang proseso na gagamitin? Ano ang mga spesipikasyon ng produkto ng sistema? Maaari itong maipakita gamit ang tinatawag na SIPOC diagram.

Kapag natukoy na ang konteksto at layunin ng sistema, pwede nang tumuloy sa pagdidisenyo nito. May iba’t ibang partikular na spesyalidad sa pagdisenyo na pwede maging basehan ng paglikha ng sistema.

Disenyo na Maaasahan

baguhin

Para sa disenyong maaasahan, kailangan ay maabot ng isang sistema ang partikular nitong layunin nang maayos, sa tamang paraan at sa tamang oras. Kasama rito na ang mga makina ay gumagana nang maayos, ang mga kalkulasyon ng mga programa sa computer ay tama, tama ang pagtala ng mga software ng benta, at iba pa.

Maaari itong matantiya batay sa failure rate, mean time between failure, mean time between maintenance, system effectiveness at iba pa. Lahat ng ito ay nakabase sa mga probibilidad ayon sa datos ng tunay na pangyayari sa kasaysayan ng operasyon. Mas kanais-nais siyempre na paliiin ang failure rates habang mahaba ang panahon sa pagitan ng mga failure.

Para maiwasan ang mga failure o pagkabigo, pwedeng gumamit ng mga kagamitang pangsuri tulad ng failure mode, effects, and criticality analysis, fault-tree analysis, at iba pa.

Disenyo na Mapapamalagi

baguhin

Para sa disenyong mapapamalagi, kailangan masigurado ang maayos pagpapanatili ng maayos na pagtakbo ng mga operasyon ng isang sistema na may katamtamang gastos.

Maaari itong matantiya batay sa maintenance times, maintenance cost, ease of maintenance, at iba pa. Mas maganda ang mas madaling mapapanatili sabay sa kasiguraduhang hindi masisira ang mga kagamitan na kailangan sa operasyon.

Para maiwasan ang ganitong mga down time kung tawagin, ay pwedeng gumamit ng preventive maintenance kung saan hindi mo na hinihintay masira ang makina, halimbawa, kundi binibigyan mo ito ng pangangalaga tulad ng paglalangis o paglinis upang mapababa ang probibilidad ng pagsira nito. Kumbaga aagapan mob ago pa mangyari. Kapag sa pagsira mo na siya pinagtuunan ng pag-agap, ito ay tawag na corrective maintenance. Mayroon ding tinatawag na perfective maintenance na kadalasang ginagamit sa software. Ito ang patuloy na pagpapabuti para sa lubos na maayos na pagtakbo.

Disenyo na Madali Magamit

baguhin

Ang disenyo na madali magamit ay kadalasang tumutukoy sa madali na paggamit ng isang produkto ng mga tao. Ito’y binabase sa pisikal na anyo ng mga hinahangad na taga gamit, mga sikolohiya ng mga tao, ang kanilang paggamit sa kanilang pandama, ang mga panlipunang kumbensiyon, at iba pa. Kailangan ay halos natural na sa isang tao ang paggamit sa iyong produkto. Mayroon dapat na tamang komunikasyon sa pagitan ng tao at makina para wasto at maayos ang maging paggamit niya dito.

Disenyo na Masusuportahan at Mapapagawa

baguhin

Ang disenyo na masusuportahan at mapapagawa ay layunin ang kadalian na pagpapaayos sa isang bagay kapag ito ay nasira ng tagagamit. Kasama sa mga konsiderasyon dito ang pagkakaiba ng presyo ng pag-ayos dito at pagbili nalang ng panibagong kagamitan. Mainam na ang mga parte tulad ng baterya ay madali mapapalitan at mayroong mga piyesang magagamit pamalit sa mga parte na madali masira o mapawalang bisa.

Maaaring gamitin dito ang supportability analysis na tinitingnan ang lahat ng repairable items at tsaka mga pangangailangan sa pamamalagi.

Disenyo na Madali Magagawa, Maitatapon nang Tama, at Masusustena

baguhin

Ang disenyo na ito ay may kinalaman sa mismong proseso ng paggawa ng produkto, para ito’y madali lang gawin, may patutunguhan sa dulo ng kaniyang mabisang buhay, at kayang mapagpatuloy sa mahabang kapanahunan. Pumpasok dito ang mga metolohiya ng paggawa, automation o paggamit ng mga makina, recyclability o paggamit ng mga materyales na pwedeng magamit muli, paggamit ng mga bagay na makakalikasan, at iba pa.

Pumapasok dito ang mga konsepto ng green engineering, environmentally conscious design and manufacturing na may design for environment at environmental management, waste management, at pollution prevention.

Disenyo na Mura

baguhin

Ang disenyo mura ay may kinalaman sa pagbadyet ng mga gastusin sa operasyon ng sistema. Kasama dito ang lahat ng proseso na pumapasok sa pag-abot ng sistema sa kaniyang layunin, mula sa pinakasimula ng pag-iisip ng disenyo ng sistema hanggang sa dulo ng kabuhayan ng sistema. Kasama ang gastos sa produksiyon, gastos sa pamamalagi, sa mga suportang pang logistics, accounting, engineering, bayad sa pamamalakad sa organisasyon, at iba pa.

Maaaring gamitin dito ang life cycle cost analysis kung tinitingnan ang kabuuan ng operasyon ng isang organisasyon at ang makikitang halaga ng paggawa sa bawat proseso.