Ang Diskograpiya ay ang pag-aaral at pagtatala ng mga detalye na may kinalaman sa rekord ng tunog, na kadalasan ng mga tukoy na artista o iyong mga nasa kilalang dyanra ng musika. Ang tumpak na kabatirang kasama ay nag-iiba depende sa uri ng saklaw ng diskograpiya, subalit ang kadalasang diskograpiya ay madalas kinapapalooban ng mga detalye gaya ng pangalan ng artistang gumawa, ang oras at lugar ng rekording, ang pamagat ng piyesang tinanghal, petsang inilabas, posisyon sa mga tsart, at dami ng benta.[1]

Ang salitang "discography" ay pinasikat ng mga kolektor ng mga jazz rekord noong dekada '30. Ang mga tagahanga ng jazz ay nagsaliksik at naglabas ng kanilang sariling limbag ng diskograpiya tungkol sa kung kailan ginawa ang jazz na rekord, at kung sinong musikero ang nasa rekord, dahil ang mga kompanya ng rekord ay madalang isama ang mga kabatiran tungkol sa rekord noong panahong iyon. Ang dalawang pinakaunang diskograpiyang jazz ay ang Rhythm on Record ni Hilton Schleman at Hot Discography ni Charles Delaunay.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Roy Shuker. Popular Music: The Key Concepts. Routledge, 2005. 80.
  2. John Shepard, et al. Continuum Encyclopedia of Popular Music of the World. Continuum, 2003. 14.

Mga kawing panlabas

baguhin