Diyaryong akademiko

Ang diyaryong akademiko o pahayagang pang-akademya (Ingles: academic journal) ay isang peryodiko o peryodikal na sinuri ng mga kasamahan sa larangan o akademya kung saan ang kadalubhasaan sa isang disiplinang pang-akademya ay inilalathala. Nagsisilbi ang mga diyaryong akademiko bilang mga poro para sa pagpapakilala at paghaharap o pagpapakita na susuriin ng bagong pananaliksi, at ng kritisismo ng umiiral na pananaliksik. Karaniwan itong naglalaman ng mga nilalaman na nasa anyo ng mga artikulo o lathalain na nagpapahayag ng orihinal na pananaliksik, mga artikulo ng pagsusuri, at mga pagsusuri ng aklat. Ang mga lathalain o publikasyong akademiko o propesyunal (pampropesyon) na hindi sinusuri ng mga kasama sa larangan ay pangkaraniwang tinatawag na mga magasing propesyunal o magasing pampropesyon.

Ang katagang "diyaryong akademiko" ay ginagamit sa mga lathalaing pandalubhasa sa lahat ng mga larangan. Ang mga diyaryong siyentipiko o pahayagang pang-agham at mga diyaryo ng pananaliksik na pangkantidad o dami sa mga agham panlipunan ay kaiba ang anyo at tungkulin kung ihahambing sa mga diyaryong panghumanidad at ng pangkalidad na mga agham panglipunan. Ang kanilang tiyak na mga aspeto ay tinatalakay nang hiwalay. Ang mga pagsasagawa nito ay nag-iiba-iba sa iba't ibang mga rehiyon ng mundo.

Tingnan rin

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Paglalathala ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.