Domingo Raymundo
Si Domingo Raymundo ay tubong Maynila. Isinilang siya noong 14 Mayo 1904.
Domingo Raymundo | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Nagsimula siyang sumulat ng tula sa gulang na labimpito, taong 1921 noon. Naging makata ng Ilaw at Panitik noong 1934 at makata ng Liwayway noong 1935.
Napabilang siya sa pamunuan ng Taliba noong 1927 at nagsulat at naglathala ng kanyang mga tula araw-araw sa nasabing pahayagan.
Hinirang siya ng Ilaw at Panitik na Makata ng Pandacan noong 1935. Naging Prinsipe ng Balagtasan noong 1934 nang talunin niya si Nemesio Caravana sa isang Balagtasang idinaos sa Olympic Stadium.
Naging pinuno rin at isa sa Tatsulok ng Samahang Kuwartetong Ilaw at Panitik.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.