Don't Cry for Me, Argentina

Ang "Don't Cry for Me, Argentina", o "Huwag Lumuha Para sa Akin, Arhentina" sa literal na pagsasalinwika, ay ang pinakakilalang awitin mula sa musikal na Evita noong 1978. Nagmula ang tugtugin mula kay Andrew Lloyd Webber, samantalang ang mga panitik o mga liriko ay isinulat ni Tim Rice. Inawit ito ng pangunahing tauhang si Eva Peron. Una itong pinamagatang "It’s Only Your Lover Returning" (literal na "Ang Mangingibig Mo Lamang na Nagbabalik") bago humantong sa pangkasalukuyang kinikilalang kinalabasang pamagat. Lumitaw ito nang maaga sa pangalawang akto habang nagpapahayag si Evita sa madla mula sa balkonahe ng Casa Rosada at nagtatangi ng melodiyang may malawak na temang may makabagbag na damdamin ng panghihinayang at hindi pagtanggap ng pangyayaring naganap, na katangian ng mga bantog na mga pinakabantog na mga awit ni Lloyd Webber. Katulad ng tono ng kanta ang sa "Oh What a Circus" na nagbuhat din sa palabas na ito.

Sa likod ng pabalat ng 56 Best of Tunog Sikat non-stop (disko kompakto), isinalin ang pamagat ng awiting ito bilang Huwag Lumuha Argentina.[1]

Panitik

baguhin

Narito ang piling bahagi ng panitik ng awiting ito, na nasa orihinal na anyo sa Ingles. Karugtong nito ang naging anyo ng liriko sa pagsasalinwika:

Sa Ingles

baguhin
It won't be easy, you'll think it strange
When I try to explain how I feel
That I still need your love after all that I've done
You won't believe me
All you will see is a girl you once knew
Although she's dressed up to the nines
At sixes and sevens with you
Don't cry for me, Argentina
The truth is I never left you
All through my wild days
My mad existence
I kept my promise[2]

Sa Tagalog

baguhin
Ma'aring isipin na kaiba
Ang damdamin kong nadarama
Ang pagmamahal mo'y kailangan ko pa
Ang 'yong kilala ay ang bata na noo'y musmos pa
Wala pang alam sa buhay
Sa paglalaro'y kasama
Huwag lumuha, Argentina'
Kaylan ma'y di ka iniwan
Sa 'king dinanas
Nagkamali man
Aking pangako'y di ka iiwan

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Huwag Lumuha Argentina", Don't Cry for Me Argentina, Ikalawang Bahagi, 56 Best of Tunog Sikat non-stop, DYNA Products Inc., Philippines.
  2. Don’t Cry for Me, Argentina Naka-arkibo 2017-04-10 sa Wayback Machine., Sing365.com


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.