Dorothy Dandridge
Si Dorothy Jean Dandridge (9 Nobyembre 1923 – 8 Setyembre 1965) ay isang Amerikanang aktres at mang-aawit ng musikang popular, at ang unang Aprikano-Amerikanong nanomina para sa isang gantimpalang pang-Akademya bilang pinaka mahusay na Aktres.[1] Nagtanghal siya bilang isang bokalista sa mga lugar na tanghalang katulad ng Cotton Club at ng Apollo Theater.
Dorothy Dandridge | |
---|---|
Kapanganakan | Dorothy Jean Dandridge 9 Nobyembre 1923 Cleveland, Ohio, U.S. |
Kamatayan | 8 Setyembre 1965 | (edad 41)
Dahilan | Drug overdose |
Ibang pangalan | Dorothy Dandridge-Nicholas Dorothy Nicholas Dorothy Dandridge-Denison Dorothy Denison |
Trabaho | Actress, singer |
Aktibong taon | 1934–65 |
Asawa | Harold Nicholas (1942-1951) Jack Denison (1959-1962) |
Anak | Harolyn Suzanne Nicholas |
Pagkaraan ng ilang hindi pangunahing kapyanggot na papel sa mga pelikula, nakatanggap si Dandridge ng unang natatanging gampaning pampelikula sa Tarzan's Peril (kinabibidahan ni Lex Barker), noong 1951. Napagwagian niya ang una niyang gampaning pambida noong 1953, na gumaganap bilang isang guro sa isang pelikulang may maliit na puhunan na pinamagatang Bright Road, na kinasasangkutan ng mga tauhang halos lahat ay itim ang kulay ng balat, isang pelikulang pinamudmod ng Metro-Goldwyn-Mayer.
Noong 1954, nakatanggap siya ng nominasyon para sa isang Gantimpalang Akademya bilang Pinaka Mahusay na Artistang Babae at isang Gantimpalang BAFTA bilang Pinaka Mahusay na Aktres sa isang Pangunahing Papel para sa Carmen Jones, at nanomina noong 1959 para sa isang Gantimpalang Ginintuang Globo para sa Pinaka Mahusay na Aktres sa isang Musikal o Komedya ng Pelikulang Gumagalaw para sa Porgy and Bess. Noong 1999, naging paksa siya ng pelikulang pangtalambuhay na Introducing Dorothy Dandridge ng HBO, na kinabibidahan ni Halle Berry bilang si Dandridge. Kinilala si Dandridge sa Lakaran ng Katanyagan ng Hollywood.
Nakasal si Dandridge at nakipagdiborsiyo ng dalawang beses, una sa mananayaw at tagapaglibang na si Harold Nicholas (ang ama ng kanyang anak na babaeng si Harolyn Suzanne) at pagkaraan ay kay Jack Denison. Namatay si Dandridge dahil sa isang hindi sinasadyang labis na dosis ng gamot sa gulang na 42.[2] Noong 2011, napangalanan si Dandridge bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Potter, Joan (2002). African American Firsts: Famous Little-Known and Unsung Triumphs of Blacks in America. Kensington Books. pp. 81. ISBN 0-7582-0243-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bob McCann (2010). Encyclopedia of African-American actresses in film and television. McFarland & company. pp. 87–90. Nakuha noong 29 Enero 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 27 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.