Downhill creep
Ang downhill creep (salitang Ingles; literal sa Tagalog: gapang pababa) ay ang mabagal na paggalaw ng bato at lupa sa isang libis; ito ay ukol din sa mabagal na pagbabago ng anyo ng mga bagay dahil sa matagal na presyon at diin. Ang downhill creep ay maaaring makita ng isang tagapagmasid bilang tuloy-tuloy na pangyayari, ngunit ito ay pinagsama-samang mga maliliit na paggalaw ng mga materyal sa libis bunga ng puwersa ng grabidad. Ang pagkikiskisan, pangunahing puwersa na pumipigil sa grabidad, ay nangyayari kapag ang isang materyal ay dumulas sa isa pa nang materyal na magbibigay ng mechanical resistance sa pagitan ng dalawa na siyang maghahawak sa kanilang lugar. Habang tumatarik ang libis, mas humihina ang hila pababa at nagbubunga ng mas kaunting pagkikiskisan sa pagitan ng mga materyal na siyang magdudulot sa lupa para dumausdos.
Panimula
baguhinAng bilis ng pagbaba ng dowhill creep sa libis ay nakabatay sa katarikan, dami ng [[tubig], uri ng sedimento at materyales, at mga uri ng halaman. Ang bilis ng downhill creep ay isinaalang-alang ang lahat ng mga bahagi para alamin kung ang gilid ng burol ay gagalaw pababa. Ang downhill creep ay ang dahilan sa mala-pabilog na hugis ng mga gilid ng burol.
Ang tubig ay ang pinakamahalagang bahagi kapag pinag-uusapan ang pagbabago sa anyo at paggalaw ng lupa. Halimbawa, ang kastilyong gawa sa buhangin ay tatayo lamang kapag ito ay ginawa gamit ang buhangin na may katamtamang pagkabasa. Ang tubig ay may kakayahang magdikit sa mga butil ng buhangin. Ngunit, ang pagbuhos ng napakaraming tubig sa kastilyong buhangin ay sumisira nito. Ito ay dahil sa tubig na pumuno sa puwang sa pagitan ng mga butil. Ito ay nangyayari din sa mga gilid ng burol at gatyar. Tumutulong ang tubig sa gilid ng burol para ito'y dumikit at hindi gumalaw, ngunit kapag sobrang basa ang kapaligiran, habang o pagkatapos ng napakaraming ulan, ang mga puwang sa pagitan ng mga butil ay napupuno ng tubig at magdudulot sa lupa na dumausdos.