Ang dragun (mula sa Ingles na dragoon[1]), dragon, dragunero[2], o dragonero[2] ay isang kawal na pangunahing sinanay upang makipaglaban habang nakatapak sa lupa ngunit naturuan din sumakay sa kabayo[1] at pakikipaglabang pangkabalyero, natatangi na noong huling ika-17 at maagang ika-19 mga daantaon kung kailan inilunsad ang mga rehimyento ng dragun sa loob ng halo lahat ng mga hukbong Europeo. Noong panahon ng mas huli pang ika-18 daantaon at ng Mga Digmaang Maka-Napoleon o Mga Digmaang Napoleoniko, karamihan sa ganitong mga yunit o bahagi ang umunlad para maging pangkaraniwang paraan o midyum at minsang magaang na kabalyero o hukbong nakakabayo.

Isang dragung Britaniko noong 1839.

Hinango ang salitang "dragoon" o dragun mula sa pagtatalaga o ranggong pang-Hukbong Katihan ng Pranses - ang dragon - na siya rin mismong orihinal na pangalan ng isang uri ng sandatang pumuputok (na nangangahulugang dragon ang pangalan) na binubuhat ng mga dragung Pranses. Sa mga wikang Pranses at Kastila, walang pagkakaiba ang mga salitang dragoon (dragun) at dragon.

Sa makabagong panahon, pinanatili ang pamagat o titulo ng isang bilang ng mga sandatan o pangpagdiriwang o pangseremonyang nakakabayong mga rehimyento.

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Dragoon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Pagsasaling batay sa gawi na katulad ng sa Katipunero; mistulang dragoneer sa Ingles.

Talaaklatan

baguhin
  • Rothenburg, Gunther E. The Art of Warfare in the Age of Napoleon. Bloomington: Palimbagan ng Pamantasan ng Indiana, 1980. ISBN 0-253-31076-8
  • von Bismark, Friedrich Wilhelm, Graf, Beamish, North Ludlow, (tagapagsalin), On the Uses and Application of Cavalry in War from the Text of Bismark: With Practical Examples Selected from Antient and Modern History, T. & W. Boone, London, 1855 [1]
  • Sawicki, James A. (1985). Cavalry Regiments in the U.S. Army. Dumfries, VA: Wyvern Pubs. p. 415.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)