Pagmamaneho

(Idinirekta mula sa Driving)

Ang pagmamaneho ay ang kinokontrol na operasyon at paggalaw ng de-motor na sasakyan, kabilang ang mga kotse, motorsiklo, trak, at bus.

Pagmamaneho sa Beijing

Pinagmulan ng salita

baguhin

Tinatawag na tagapagmaneho, tsuper (hango mula sa salitang Kastila na chofer) o drayber (hango mula sa salitang Ingles na driver) ang nagkokontrol ng isang sasakyang panlupa. Bagamat ang tsuper ay madalas tumutukoy sa mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan tulad dyip o bus. Sa pangkaraniwang pag-uusap, madalas gamitin ng mga nagsasalita ng Tagalog o Filipino ang katawagang "drayber." Ang salitang-ugat ng katawagang tapagmaneho na "maneho" ay hango din sa salitang Kastila na manejo.

Ang pinagmulan ng mga katawagang Ingles na driver, na naitala mula noong ika-15 siglo, ay tumutukoy sa hanapbuhay na pagtataboy (driving) ng mga hayop na nagtatrabaho, lalo na ang mga kabayong pangkargada o kabayong tumutulong sa gawain sa kabukiran tulad ng pagsasaka. Ang etimolohiya ng pandiwang Ingles na to drive ay nangangahulugang "piliting ilipat, udyukin sa pamamagitan ng pisikal na puwersa." Una itong natala ng mga tagapagmaneho ng elektrikong riles noong 1889 at ng drayber ng de-motor na kotse noong 1896. Ilang alternatibong katawagang Ingles ay motorneer,[1] motor-man, motor-driver o motorist. Pinapaboran ng mga Pranses ang katawagang "conducteur" (ang katumbas sa Ingles nito ay "conductor" o konduktor sa Tagalog, na ginagamit —mula noong dekada 1830— upang tukuyin ang mga tao nangangalaga sa mga pasahero at naniningil ng pamasahe at hindi tinutukoy ang drayber), habang ginagamit naman ng mga lugar na naiimpluwensyahan ng mga Aleman ang katawagang Fahrer (ginamit ng mga nagmamaneho ng karwahe noong ika-18 siglo, ngunit pinaikling noong mga 1900 mula sa pinagsamang salita na Kraftwagenfahrer), at ang mga pandiwang Aleman na führen, lenken, steuern —lahat ay may iisang kahulugan na "patnubayan, gabayan, maglayag"— ay naisasalin sa conduire na salitang Pranses para sa pagmamaneho.

Mga kasanayan sa pagmamaneho

baguhin

Ang pagmamaneho sa trapiko ay higit pa sa pag-alam lamang kung paano patakbuhin ang mga mekanismo na kukontrol ng mga sasakyan; ito ay nangangailangan ng kaalaman sa pagpapatupad ng mga patakaran sa kalsada (na kung saan tinitiyak ang ligtas at mahusay na pagbabahagi sa iba pang mga gumagamit). Ang isang epektibong drayber ay may isang importanteng pag-unawa ng mga pangunahing kaalaman ng mga pagpapatakbo ng sasakyan at responsable rin sa pagmamaneho.[2]

Mga pisikal na kasanayan

baguhin

Ang isang tagapagmaneho ay dapat magkaroon ng mga pisikal na mga kasanayan upang kontrolin ang direksyon, pagpapabilis at pagbabawas ng bilis ng sasakyan. Para sa mga sasakyang de-motor, ito ang mga detalyadong gawain sa pagmamaneho:[3]

  • Pagsisimula ng makina ng sasakyan na may sistema ng pagsisimula
  • Pagtatakda ng transmisyon sa tamang kambyo
  • Pagtulak pababa ng mga pedal sa pamamagitan ng paa upang mapabilis, mapabagal at ihinto ang sasakyan at
    • Kung ang sasakyan ay mayroong manu-manong transmisyon, kontrolin ang klats o clutch
  • Pagmaneobra ng direksyon ng sasakyan gamit ang manibela
  • Paglalapat ng presyon sa preno upang pabagalin o ihinto ang sasakyan
  • Pagkontrol ng iba pang mga mahalagang pansuportang kagamitan tulad ng mga tagapagpabatid o indicator, ilaw sa unahan o headlight, preno sa pagpaparada, at pangkayod ng tubig o windshield wiper
  • Pagmamatyag sa kapaligiran para sa panganib

Mental na kakayahan

baguhin

Ang pag-iwas o ang matagumpay na pag-asikaso ng isang situwasyong emerhensiya sa pagmamaneho ay maaaring may kasamang mga sumusunod na mga kasanayan:[4]

  • Paggawa ng mabuting pagpapasya batay sa mga kadahilanan tulad ng kondisyon ng kalsada at trapiko
  • Pagmamaneobrang umiiwas
  • Tamang pagkakalagay ng kamay at posisyon sa pag-upo
  • Pagkontrol laban sa pagsagadsad sa kalsada
  • Pamamaraan sa pagmamaneobra at pagpepreno
  • Pag-unawa sa dinamikang pansasakyan
  • Pagmamaneho sa kaliwa o sa kanan ng trapiko

Kaligtasan

baguhin

Mga isyu sa kaligtasan sa pagmamaneho ay kinabibilangan ng:

  • Mabilis na pagpapatakbo ng labag sa batas
  • Pagmamaneho na nasa impluwensiya ng bawal na gamot o alak
  • Nagagambalang pagmamaneho
  • Pagmamaneho na kulang sa tulog
  • Walang taros na pagmamaneho at karera sa kalye

Mga sanggunian

baguhin
  1. Century Dictionary; (1891)(sa Ingles)
  2. "Driving in France for UK Drivers" (sa wikang Ingles). Driving in Paris. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-09. Nakuha noong 2018-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2019-10-09 sa Wayback Machine.
  3. "Getting moving". Driving Test Advice. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-16. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-03-16 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  4. "Think driving is all about practical skills?". Easy to Drive. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-17. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin