Dryocopus martius
Ang Dryocopus martius (Ingles: black woodpecker) ay isang ibong karpintero na may habang-pangkatawan mula 40 hanggang 46 sentimetro, at may kahabaan ng pakpak mula 67 hanggang 73 sentimetro. Naninirahan sila sa mga kagubatan sa may hilagang paleartiko. Siya lamang ang kinatawan ng henerong ito sa rehiyong iyon. Lumalawak ang teritoryo nito sa Eurasia. Hindi ito ibong migratoryo.
Karpinterong ibon | |
---|---|
Magulang na lalaking may sisiw. | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Piciformes |
Pamilya: | Picidae |
Sari: | Dryocopus |
Espesye: | D. martius
|
Pangalang binomial | |
Dryocopus martius (Linnaeus, 1758)
|
Paglalarawan
baguhinKasing laki ito ng isang uwak, at may lubhang maitim na mga balahibo maliban sa isang pulang korona. Maitim ang kabuuan ng korona ng mga kalalakihan, samantalang ang mapula lamang sa mga kababaihan ay ang panlikurang bahagi ng korona. May pagkakaiba rin ang mga lalaki at babaeng sisiw sa panahon ng kanilang pagiging mga pitson.
Patuwid ang lipad ng karpinterong ibon. Hindi sumasawsaw, na katangian ng ibang mga species. Isang butas sa puno ang pugad nito. Nangingitlog ito ng apat o higit pa.
Mga sanggunian
baguhin- BirdLife International (2004). Dryocopus martius. Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 11 Mayo 2006. (Paunawa: Binibigyang-katuwiran dito kung bakit hindi kabilang ang ibong ito sa mga nanganganib na mawala na sa mundong ibabaw.)
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Black woodpecker " ng en.wikipedia. |