Dualidad ng alon-partikulo
Konsepto ng mekaniks na kwantum
(Idinirekta mula sa Dualidad na alon-partikulo)
Ang Dualidad ng alon-partikulo(Wave–particle duality) ay nagsasaad na ang lahat ng mga partikulo ay nagpapakita ng parehong mga katangian ng alon(wave) at partikulo. Ito ay isang sentral na konsepto ng mekaniks na kwantum at tumatalakay ng kawalang kakayahan ng mga klasikong konsepto tulad ng "partikulo" at "alon" upang buong mailarawan ang pag-aasal ng mga bagay sa iskalang(scale) kwantum. Ang pamantayang mga interpretasyon ng mekaniks na kwantum ay nagpapaliwanag ng paradoksong ito bilang pundamental na katangian ng uniberso samantalang ang mga alternatibong interpretasyon ay nagpapaliwanag na ang dualidad ay isang lumilitaw na ikalawang-order na konsekwensiya(kinahinatnan) ng iba ibang mga limitasyon ng nagmamasid(obserber).