Ang dugong, dugonggo o Dugong dugon (pangalang pang-agham) ay isang malaking mamalyang pandagat na, kasama ng mga manatee, ay isa sa apat na mga nabubuhay pang mga espesye ng orden ng mga Sirenia (mga duyong). Ito ang tanging buhay na espesye sa pamilyang Dugongidae. Ang dugong ay dumedepende sa seagrass upang mabuhay kaya madalas itong malapit sa baybayin. Ang dugong ay hinahanap at pinapatay para karne at langis nito.

Dugong[1]
Temporal na saklaw: Maagang Eocene hanggang Kamakailan
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Sirenia
Pamilya: Dugongidae
Sari: Dugong
Espesye:
D. dugon
Pangalang binomial
Dugong dugon
(Müller, 1776)
Likas na sakop ng D. dugon.

Ang salitang "dugong" ay nagmula sa bisayang salita na "dugung".[3] Ginamit ang salitang "dugon" ng isang naturalistang Pranses na si Georges-Louis de Buffon sa kanyang ginawang Histoire Naturelle (1765). [4] Ang iba nitong pangalan sa ibang mga lugar ay "sea cow", "sea camel", at "sea pig".[5]

Kalansay ng dugong dugon na matatagpuan sa Pambansang Museo.

Taksonomiya

baguhin

Ang Dugong dugon ay ang tanging buhay na espesye sa pamilyang Dugongidae. Ito ay unang itinuring na kabilang sa pamilyang Trichechidae noong 1776. Pagkatapos, binigyan ang espesyeng dugong ng sariling pamilyang Dugongidae.[6]

Sa ginawang pag-aaral sa populasyon ng dugong gamit ang DNA ng mitokondriya, sinasabi na ang DNA mula sa populasyon ng Timog-Silangang Asya ay iba kumpara sa iba ang pinagmulan. Wala pang malinaw na impormasyon upang ipaghiwalay ang klasipikasyon ng magkakaibang grupo.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Shoshani, J. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. p. 92. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Marsh (2006). Dugong dugon. Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 11 Mayo 2006. Kabilang sa talaang-pahibalong ito ang isang mahabang pagpapatunay kung bakit kabilang ang uring ito sa mga maaaring manganib.
  3. "Dugong". Merriam-Webster. Nakuha noong 18 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Leclerc, Georges-Louis (1765). Histoire Naturelle, Générale et Particuliére, avec la Description du Cabinet du Roi. L'Imprimerie Royal. p. 374. Dugon, Dugung, nom de cet anìmal à l'île de Lethy ou Leyte, l'une des Philippines,& que nous avons adopté.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Reeves, R. (2002). National Audubon Society Guide to Marine Mammals of the World. p. 478-481. ISBN 0-375-41141-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Dugong dugon".
  7. Marsh, H. (2002). "Dugong: status reports and action plans for countries and territories" (PDF).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.