Arthur Wellesley, Unang Duke ng Wellington
Si Arthur Wellesley (Mayo 1, 1769 - Setyembre 14, 1852) ay isang kilalang heneral at marlika ng Gran Britanya.[2]
Arthur Wellesley, Unang Duke ng Wellington | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Mayo 1769[1]
|
Kamatayan | 14 Setyembre 1852[1]
|
Mamamayan | Irlanda United Kingdom of Great Britain and Ireland |
Trabaho | politiko, diplomata, opisyal |
Opisina | Punong Ministro ng United Kingdom (22 Enero 1828–16 Nobyembre 1830) Punong Ministro ng United Kingdom (17 Nobyembre 1834–9 Disyembre 1834) |
Pirma | |
Talambuhay
baguhinIsinilang si Wellesley sa Dublin, Irlanda sa kaparehong taon nang isilang din si Napoleon Bonaparte. Si Bonaparte ang pinakamagiting na kalaban ni Wellesley noong kanilang kapanahunan. Nag-aral sa Kolehiyo ng Eton sa Inglatera, at naging opisyal sa hukbo ng Britanya noong 1787. Nagsilbi rin siya sa Parlamento ng Inglatera. Ginawa siyang isang Duke ng Wellington ni Haring George III, at dahil sa kaniyang mga katangiang - katulad ng katapangan, pagkamahigpit at pagkakaroon ng paninindigan - siya ay tinagurian bilang Bakal na Duke (o Iron Duke). Nanungkulan siya bilang punong ministro mula 1828 hanggang 1830.[2]
Napangasawa niya si Catherine Pakenham noong 1806, kung kanino siya nagkaroon ng dalawang supling. Nang mamatay, inilibing siya sa Katedral ni San Pablo.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb11887871r; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Arthur Wellesley, 1st Duke of Wellington " ng en.wikipedia. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.