Ang Dux ( /dʌks,_dʊks/; pangmaramihan: ducēs) ay Latin para sa "pinuno" (mula sa pangngalan dux, ducis, "pinuno, heneral") at kalaunan para sa duke at iba pang varyant nito (doge, duce, atbp.).

Sa panahon ng Republikang Romano, ang dux ay maaaring tumukoy sa sinumang nag-uutos sa mga hukbo, kabilang ang mga pinunong dayuhan, ngunit hindi pormal na ranggo ng militar. Sa pagsulat ng kaniyang mga komentaryo sa mga Digmaang Galia, ginagamit ni Julio Cesar ang termino para lamang sa mga heneral na Selta, na may isang pagbubukod para sa isang Romanong kumander na walang opisyal na ranggo.[1]

Mga sanggunian

baguhin
baguhin
  •   May isang artikulo ang dux sa Wiktionary
  1. Thomas Wiedemann, “The Fetiales: A Reconsideration,” Classical Quarterly 36 (1986), p. 483. The Roman called dux is Publius Crassus, who was too young to hold a commission; see discussion of his rank.