Sa iskawting, ang isang dyambori (mula sa Ingles na jamboree) ay isang malaking pagpupulong ng mga tagapagmanman o mga iskawt na nagtitipon sa pambansa o pandaigdigang antas. Sa orihinal nitong kahulugan, isa itong "maingay na pagdiriwang" o selebrasyon.[1] Maaari din itong tumukoy sa asamblea. Ang Unang Pangmundong Dyambori ng mga Iskawt ay isinagawa noong 1920, na pinasinayaan ng Nagkakaisang Kaharian. Magmula noon, nagkaroon na ng dalawampu't isang Dyambori ng Pangmundong mga Iskawt, na pinasisinayaan ng sari-saring mga bansa, pangkalahatan na ang tuwing ikaapat na taon. Mayroon ding mga dyamboring pambansa at pangkontinenteng isinasaga sa buong mundo na may pabagu-bagong kadalasan. Marami sa mga kaganapang ito ang mag-aanyaya at umaakit sa mga iskawt mula sa ibayong-dagat.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Jamboree - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagdiriwang ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.