Si Edgardo G. Vazquez (1951 - ) ay kilala bilang imbentor ng pre-fabricated fence na Vazbuilt na ginamit na pader sa ilang expressway sa Luzon. Nakatanggap ito ng parangal na World Intellectual Propert Organization Gold Medal noong 1995.

Nagtapos ng kanyang kursong Bachelor of Science in Commerce sa San Beda College si Edgardo. Nagtrabaho sa sariling tindahan ng mga gamit pang konstruksiyon, at doon niya napag-alaman na lubha palang napakamahal ng mga materyales sa pagpapatayo ng bahay. Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na makapagdisenyo ng isang bahay na halos kalahati ang kamurahan kung ihahambing sa regular na bahay. Nakilala ang kanyang disenyo bilang Vazbuilt. Maaaring mabuo ang bahay na ito sa loob lamang ng 14 hanggang 30 araw depende sa modelo. Ang Vazbuilt ay madaling mabuo katulad ng laruang Lego. Maaari rin itong kalas-kalasin at ilipat sa ibang lugar na titirhan. Higit pa rito, ang Vazbuilt, ayon kay Edgardo ay matibay laban sa anay, lindol, sunog, at bagyo. Dahil dito, ang Vazbuilt ay nabilang sa isa sa pinakamagagaling na korporasyon (Top 1,000) sa Pilipinas.

Sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.