Edi Rama
Si Edi Rama (ipinanganak 4 Hulyo 1964) ay isang Albanian na politiko, artist, manunulat, at ang kasalukuyang Punong Ministro ng Albania simula noong 2013. Siya rin ay naging pinuno ng Partia Socialiste e Shqipërisë (PS; Socialist Party of Albania) simula noong 2005. Si Rama ay naglingkod sa pamahaalan bilang Ministro ng Kultura, Kabataan at Palakasan mula 1998 hanggang 2000, at siya ay naging alkalde ng Tirana mula 2000 hanggang 2011. Pinamunuan niya ang isang koalisyon ng mga sosyalista at makakaliwang partido na nanalo sa halalang pamparlamento ng Hunyo 2013, dinaig ang konserbatibo pagkakaisa ni Punong Ministro Sali Berisha.
Edi Rama | |
---|---|
ika-32 Punong Ministro ng Albania | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 15 Setyembre 2013 | |
Pangulo | Bujar Nishani |
Diputado | Niko Peleshi |
Nakaraang sinundan | Sali Berisha |
Chairman of the Socialist Party | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 10 Oktubre 2005 | |
Nakaraang sinundan | Fatos Nano |
Alkalde ng Tirana | |
Nasa puwesto 11 Oktubre 2000 – 25 Hulyo 2011 | |
Nakaraang sinundan | Albert Brojka |
Sinundan ni | Lulzim Basha |
Personal na detalye | |
Isinilang | Tirana, Albania | 4 Hulyo 1964
Partidong pampolitika | Socialist Party |
Asawa | Matilda Makoçi (Divorced) Linda Rama (2010–kasalukuyan) |
Anak | Gregor Rama Zaho Rama |
Websitio | Official website |