Si Edna Deakin (1871–1946) ay isang taga-disenyo at isa sa mga pinakamaagang babaeng arkitekto sa Estados Unidos ng Amerika . Kilala siya sa pagbabago ng gusaling "Temple of the Wings" sa Berkeley, California.[1]

Edna Deakin
Kapanganakan1871
California
Kamatayan1946
NasyonalidadAmerikano
TrabahoArkitekto

Si Edna Deakin ay ipinanganak sa lugar ng San Francisco, California; ang kanyang ama ay ang pintor na si Edwin Deakin. Nag-aral siya ng mekanika sa University of California, Berkeley, ngunit huminto upang mag-aral ng arkitektura kasama ang kanyang pinsan na si Clarence Dakin (na ang pamilya ay naiiba ang pagbaybay ng pangalan) sa mga klase ni John Galen Howard.[2]

Trabaho sa arkitektura

baguhin

Matapos ang kanyang pag-aaral, nagtrabaho si Deakin sa mga tanggapan nina Dickey at Reed (CW Dickey) at para sa arkitekto na si George T. Plowman.[3] Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang isang "taga-disenyo" at nakipagtulungan sa kanyang pinsan. Maaaring napabilang sila sa disenyo ng Studio Building sa Berkeley, na itinayo ng ama ni Clarence. Nagtulungan sina Deakin at Clarence sa pagpapanumbalik ng isang hindi pangkaraniwang gusali sa Berkeley na kilala bilang "Temple of Wings." Orihinal na dinisenyo noong 1911 bilang isang bahay na walang anumang pader nina Bernard Maybeck at A. Randolph Monroe, ang gusaling "Temple of Wings" ay nakaranas ng malubhang pinsala sa sunog noong 1923. Ang orihinal na mga haliging Corinto na sumusuporta sa bubong ay nakaligtas at ginamit sa muling pagsasaayos nina Deakin at Clarence. Gumawa sila ng isang plano upang isara ang istraktura, pagbuo ng mga living areas na may mga ground-floor dance studio sa magkabilang panig ng isang bukas na patyo.[4] Dinisenyo din niya ang ari-arian ng pamilya ng D(e)akin sa Telegraph at Woolsey sa Berkeley.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Marvin, Betty (1984). The Residential Work in Berkeley of Five Women Architects. Berkeley, California: Berkeley Architectural Heritage in Association.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Allaback, Sarah (2008). The first American women architects. Urbana and Chicago: University of Illinois Press. p. 74.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cerny, Susan Dinkelspiel; Association, Berkeley Architectural Heritage (1994). Berkeley landmarks: an illustrated guide to Berkeley, California's architectural heritage (sa wikang Ingles). Berkeley Architectural Heritage Association.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Temple of Wings". Berkeley Historical Plaque Project.