Edukasyon sa Tsina
Ang Edukasyon sa Tsina ay isang sistema ng pampublikong edukasyon na pinapatakbo ng gobyerno ng Tsina sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang lahat ng mamamayang Tsino ay dapat mag-aral sa paaaralan ng hindi bababa sa siyam na taon. Ang pamahalaan ng Tsina ay nagkakaloob ng edukasyong primarya para sa anim hanggang siyam na taon simula anim na taong gulang o pitong taong gulang na sinundan ng anim na taon ng edukasyong sekundaryo para sa edad na 12 hanggang 18. Ang ilang mga probinsiyang Tsino ay may limang taon ng eskwelang primarya ngunit apat na taon para sa eskwelang panggitna. May tatlong taon para sa eskwelang panggitna o middle school at tatlong taon para sa hayskul. Noong 1985, binuwag ng gobyerno ng Tsina ang pinopondohan ng buwis na edukasyong mas mataas o pangunibesidad na nagtatakda sa mga aplikante para sa unibersidad na makipagtunggali para sa mga scholarship batay sa kanilang kakayahang akademiko. Noong 2003, sinuportahan ng gobyerno ng Tsina ang 1,552 institusyon ng mga kolehiyo at unibersidad at kanilang 725,000 propesor at 11 milyong estudyante. May higit sa 100 mga National Key Universities kabilang ang Peking University at Tsinghua University. Ang paggasta ng gobyerno ng Tsina sa edukasyon ay lumago ng 20% simula 1999 at umabot ngayon ng higit sa $100 bilyon. Ang mga 1.5 estudyante ng siyensiya at inhenyeriya ay nagtapos sa mga unibersiad ng Tsina noong 2006. Ang Tsina ay naglimbag ng mga 184,080 akademikong papel noong 2008. Noong 2013, ang mga estudyante ng Shanghai, Tsina ay nangunguna sa pandaigdigang Program for International Student Assessment sa matematika, siyensiya at pagbasa.[4]
Ministro ng Edukasyon | |
---|---|
Ministro ng Edukasyon | Chen Baosheng |
National education budget (2010–2011) | |
Budget | $ 565.6 bilyon (PHP 29,918,826,000,000)[1] |
General details | |
Pangunahing wika | wikang Tsino |
System type | Nasyonal |
Literacy (2015 [2]) | |
Kabuuan | 96.7 % |
Lalaki | 98.2 % |
Babae | 94.5 % |
Primary | 121 milyon [3] |
Secondary | 78.4 milyon, including junior and senior secondary students.[3] |
Post secondary | 11.6 milyon[3] |
Mga yugto ng edukasyon sa Tsina
baguhinTipikal na edad | Edukasyon | mga lebel | Kompulsoryo |
---|---|---|---|
18-22 | Unibersidad o Kolehiyo | Iba iba | Hindi |
15-17 | Senior high school (middle school) or Vocational school |
Baytang 10-12 | Hindi |
12-14 | Junior middle school | Baytang 7-9 | Oo |
6-11 | Primary school | Baytang 1-6 | Oo |
Mas mataas na edukasyon
baguhinAng partikular na pansin ay ibinigay sa pagpapabuti ng mga sistema sa mga kamakailang reporma ng gobyerno ng Tsina sa edukayson. Maraming mga multibersidad at kolehiyang espesyalista ay itinatag. Kanilang pinalakas ang ilang hindi kumpletong subject at nagtatag ng mga bagong espesyalidad halimbawa sa automation, nuclear power, energy resources, oceanography, nuclear physics, computer science, polymer chemistry, polymer physics, radiochemistry, physical chemistry at biophysics. Ang isang proyekto sa paglikha ng 100 unibersidad na world class ay sinimulan noong 1993 na nagsama ng 708 paaralan ng mas mataas na pagkatuto sa 302 unibersidad sa Tsina. Ang pagsasamang ito ay lumikha ng reporma sa pangangasiwa ng edukasyon, pagpapataas ng alokasyon sa mga mapagkukunan at karagdagang pagpapabuti sa kalidad ng pagtuturo at mga pamantayan nito.
Literasiya at reporma sa wikang Tsino
baguhinAng patuloy na kampanya ng gobyerno na alisin ang iliterasiya (hindi marunong bumasa o sumulat) ay bahagi ng edukasyon sa Tsina. Ayon sa estadistika noong 1985, ang mga 230 milyong katao sa kabuuang 1.1 bilyon ay mga hindi marunong bumasa o sumulat. Ang kahirapan na maging bihasa sa isinusulat na wikang Tsino ay gumawa sa pagpapataas ng literasiya na mahirap. Ang reporma sa wika ay nilayon na gawing mas madaling sumulat at matutujan ang pamantayang wikang Tsino na magpapataas ng literasiya at magdudulot ng pagkakaisa sa wika ng mga Tsino at magsisilbing pundasyon para sa mas simpleng isinulat na wikang Tsino. Noong 1951, ang partidong Tsino ay nagisyu ng direktiba na naglunsad ng tatlong bahaging plano para sa reporma sa wika. Ang adhikain nito ay itatag ang pangkalahatang pagkaunawa ng isang ginawang pamantayang karaniwang wikang Tsino, pasimplehin ang isinulat na mga karakter at ipakilala ang mga anyong romanisado batay sa alpabetong Latin. Noong 1956, ang Putonghua (modernong pamantayang wikang Tsino ay ipinakilala bilang wika ng instruksiyon sa mga paaralan at sa mga pagsasahimpapawid na pambansang media. Noong 1976, ang putonghua ay ginagamit na sa buong Tsina partikular sa gobyerno at sa partido gayundin sa edukasyon. Noong 1987, patuloy na itinataguyod ng gobyerno ng Tsina na gawing pangkalahatan ang putonghua bagaman patuloy pa ring sinasalita ang mga diyalekto sa mga iba't ibang rehiyon.
Ang isang reporma sa wikang Tsino ay nagatas ng pagpapasimple ng mga ideograph dahil ang mas kaunting mga pagguhit ay mas madaling matutunan. Noong 1964, inilabas ng Komite para sa pagrereporma ng isinulat na wikang Tsino ang opisyal na talaan ng 2,238 pinasimpleng karakter. Ang anumang ideya na palitan ang mga skriptong ideograpiko ng karakter na romanisado ay iniwan ng pamahalaan at mga pinuno ng edukasyon. Ang ikatlong pagbabago ang paggamit ng romanisasyon ng pinyin ng mas malawak. Ang pinyin ay hinikayat upang makatulong sa pagpapalaganap ng putong hua sa mga rehiyon na ang ibang diyalekto ay sinasalita. Gayunpaman, noong mga gitnang 1980, ang paggamit ng pinyin ay hindi kasing lawak sa paggamit ng putonghua.
Sanggunian
baguhin- ↑ http://en.people.cn/n3/2017/0504/c90000-9211086.html
- ↑ "The World Factbook". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-13. Nakuha noong 2014-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "UNESCO IBE - World Data on Education, 6th edition". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2014-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.npr.org/blogs/thetwo-way/2013/12/03/248329823/u-s-high-school-students-slide-in-math-reading-science