Edwin Howard Armstrong

Si Edwin Howard Armstrong (Disyembre 18, 1890 – Enero 31, 1954) ay isang Amerikanong inhinyerong elektrikal at imbentor. Tinawag siya bilang ang pinaka mapanlikha at maimpluwensiyang imbentor sa kasaysayan ng radyo.[1] Inimbento niya ang sirkitong reheneratibo habang hindi pa siya nakapagtatapos ng pag-aaral sa dalubhasaan at ipinatente niya ito noong 1914, na nasundan ng sirkitong super-reheneratibo noong 1922, at ng superheterodyne receiver noong 1918.[2] Si Armstrong din ang nakaimbento ng modernong frequency modulation (FM), isang uri ng transmisyong pangradyo.

Si Edwin Howard Armstrong.

Ipinanganak si Armstrong sa Lungsod ng New York, New York, noong 1890. Nag-aral siya sa Columbia University kung saan ay naging kasapi ng Epsilon Chapter ng Praternidad na Theta Xi. Sa pagdaka siya ay naging isang propesor sa Pamantasan ng Columbia. Pinanghawakan niya ang 42 mga patente at tumanggap ng maraming mga gantimpala, kabilang na ang unang medalyang parangal ng Institute of Radio Engineers na nakikilala sa kasalukuyan bilang IEEE Medal of Honor, ng Pranses na Legion of Honor (Lehiyon ng Karangalan), ng pang-1941 na Medalyang Franklin at ng pang-1942 na Medalyang Edison. Kasapi siya sa National Inventors Hall of Fame at ng roster ng magigiting na mga imbentor ng International Telecommunications Union.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Campbell, Richard; Christopher R. Martin; Bettina Fabos (2011). Media and Culture: An Introduction to Mass Communication, 8th Ed. MacMillan. p. 124. ISBN 0312644655.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Armstrong Patent". Radio Broadcast. Doubleday, Page, & Co. 1 (1): 71–72. Mayo 1922.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)