Effie Shannon
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Effie Shannon ay isinilang noong Mayo 13, 1867 at namatay noong Hulyo 24, 1954. Sya ay isang Amerikanang aktres sa entablado at pelikula.
Talambuhay
baguhinSi Shannon ay nagkaroon ng 60-taong karera bilang bidang perpormer at kalaunan ay naging karakter aktres. Nagsimula siya bilang isang batang aktres na lumabas kasama si John McCullough at nang maglaon noong 1886 nakasama si Robert B. Mantell. Isa siya sa mga myembro na nagtatag ng Twelfth Night Club para sa mga babaeng artista noong 1891 (kasama sina Alice Fisher, Lelena Fisher at Maida Craigen).
Ang kanyang kapareha at asawa ay si Herbert Kelcey na namatay noong 1917. Lumabas sila sa maraming dula bilang magkapareha ng henerasyon sa sikat na Lunt at Fontanne bilang isang mahusay at romantikong magkapareha sa Broadway. Ang kapatid ni Effie na si Winona Shannon na isinilang noong taong 1874 at namatay noong taong 1950 ay isa ring artista at regular na gumaganap sa kompanya nila Herbert Kelcey at Effie Shannon. [1] Noong 1914, lumabas si Effie sa kanyang unang pelikula kasama si Kelcey. Gumawa sila ng isa pang pelikula nang magkasama noong 1916 bago siya namatay noong 1917. Si Shannon ay patuloy na lumabas sa mga pelikula at larangan ng musika hanggang 1932 kasabay ng kanyang paglabas pa rin sa Broadway. Ang isa sa mga naging tungkulin niya ay ang muling pagganap sa Arsenic at Old Lace. [2] [3]
Noong Setyembre 16, 1932, si Peg Entwhistle, na nakasuot ng damit na hiniram kay Shannon, ay tumalon mula sa tuktok ng Hollywoodland sign [4] na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
- ↑ "Mrs. A. G. Andrews, Former Actress; Winona Shannon of the Stage Dies --Seen on 'Butterfly on the Wheel' and 'The Bat.'". The New York Times. Oktubre 18, 1950. Nakuha noong Mayo 23, 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Effie Shannon at the IBDB.com database
- ↑ Who Was Who in the Theatre 1912-1976, abridgement of original annual versions by John Parker; 1976 version published by Gale Research
- ↑ Lamparski, p. 48.