Ehersisyong aerobiko
Ang ehersisyong aerobiko, ehersisyong kardiyobaskular o kardiyo (Ingles: aerobic exercise, tinatawag ding cardiovascular o cardio, na may diwang "pampuso" o "para sa puso") ay isang ehersisyong pisikal na may ukol na mababang katindihan na pangunahing nakabatay sa prosesong aerobiko na lumilikha ng enerhiya.[1] Ang "aerobiko" ay literal na nangangahulugang "nabubuhay sa hangin",[2] at tumutukoy sa paggamit ng oksiheno upang may kasapatang maabot ang mga pangangailangan ng enerhiysa sa pamamagitan ng metabolismong aerobiko.[3] Sa pangkalahatan, ang mga gawaing may kasidhiang magaan hanggang bahagya lamang na sapat na nasusuportahan ng metabolismong aerobiko ay maaaring gawin sa loob ng nadurugtungang mga kahabaan ng oras.[1]
Kapag isinasagawa sa ganitong paraan, ang mga halimbawa ng ehersisyong kardiyobaskular/aerobiko ay ang pagtakbo o pagdi-jogging, paglangoy, pamimisikleta, at paglalakad sa distansiyang hindi gaanong kalayuan o sadyang malayuan, ayon sa unang masaklaw na pananaliksik hinggil sa ehersisyong aerobiko, na isinagawa ni Dr. Kenneth H. Cooper noong dekada ng 1960 na kinasangkutan ng mahigit sa 5,000 mga tauhan ng Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos.[4][5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Sharon A. Plowman; Denise L. Smith (1 Hunyo 2007). Exercise Physiology for Health, Fitness, and Performance. Lippincott Williams & Wilkins. p. 61. ISBN 978-0-7817-8406-1. Nakuha noong 13 Oktubre 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kenneth H. Cooper (1997). Can stress heal?. Thomas Nelson Inc. p. 40. ISBN 978-0-7852-8315-7. Nakuha noong 19 Oktubre 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William D. McArdle; Frank I. Katch; Victor L. Katch (2006). Essentials of exercise physiology. Lippincott Williams & Wilkins. p. 204. ISBN 978-0-7817-4991-6. Nakuha noong 13 Oktubre 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cooper, Kenneth H. (1983) [1968]. Aerobics (ika-may pagbabago, muling paglalabas (na) edisyon). Bantam Books. ISBN 0553274473.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Netburn, Deborah (Marso 30, 2009), "Dr. Kenneth Cooper got a nation moving through aerobics", Los Angeles Times
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.