Ang Eilat (Ebreo: אילת), pop. 55 000, ay ang pinakatimugang lungsod ng Israel, sa Timugang Distrito ng Israel. Karatig ng lungsod na Ehipsiyong Taba at ng puwertong Jordania ng Aqaba, matatagpuan ang Eilat sa hilagang dulo ng Gulpo ng Aqaba (kilala din bilang Gulpo ng Eilat) na silangang manggas ng Dagat Pula (ang kanluran na humahanggan sa Kanal ng Suez).

Eilat

אילת‏‎
city council, emporia
Eskudo de armas ng Eilat
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 29°33′N 34°57′E / 29.55°N 34.95°E / 29.55; 34.95
Bansa Israel
LokasyonBeersheba Subdistrict, Southern District, Israel
Itinatag1951
Lawak
 • Kabuuan84.789 km2 (32.737 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2019)
 • Kabuuan51,935
 • Kapal610/km2 (1,600/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00, Daylight saving time
Websaythttp://www.eilat.muni.il
Kompleks ng mga hotel sa baybayin ng Dagat Pula

Ipinangalan ang Eilat sa dating lungsod ng kaparehong pangalan na ngayon ay Aqaba sa Jordan.

Pangalan

baguhin

Ang pinagmulan ng pangalang Eilat, isang lugar na matatagpuan sa Bibliang Hebreo, ay hindi tiyak na alam, ngunit malamang na nanggaling mula sa ugat Hebreo na A–Y–L (Hebreo: א. י. ל.‎), na ugat din para sa salitang Elah (Hebreo: אלה‎), na nangangahulugang puno ng Pistacia. Tulad ng ibang mga lokalidad, nabanggit ang Eilat sa Bibliya na parehong anyong isahan at anyong maramihan (Eilot).[1] Sa mundong Arabe, tinutukoy ito bilang Umm Al-Rashrash (Arabe: أم الرشراش‎).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Grinzweig, Michael (1993). Cohen, Meir; Schiller, Eli (mga pat.). "From the Items of the Name Eilat". Ariel (sa wikang Ebreo). Ariel Publishing (93–94: Eilat – Human, Sea and Desert): 110.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin