Ekonomikang pambayan

(Idinirekta mula sa Ekonomika sa publikong sektor)

Ang ekonomikang publiko, ekonomikang sektor na publiko, ekonomikang pangmadla, o ekonomikang pambayan (Ingles: public economics o economics of the public sector) ay ang pag-aaral ng patakaran ng pamahalaan sa pamamagitan ng lente ng kagalingan at karampatang (equity o ekwidad) pang-ekonomiya. Sa antas nitong pinakasaligan, ang ekonomikang pambayan ay nagbibigay ng isang balangkas para sa pag-iisip patungkol sa kung ang pamahalaan ay dapat ba o hindi dapat na makilahok sa mga pamilihang pang-ekonomika at sa kung hanggang saan ba ang gampanin nito. Upang magawa ito, ginagamit ang teoriyang mikroekonomiko upang matantiya kung ang pamilihang pribado ay maaari talagang makapagbigay ng mahuhusay na mga resulta kapag wala ang pakikisangkot ng pamahalaan. Likas na ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng pagsusuri ng pagbubuwis at mga gastos ng pamahalaan. Ang paksang ito ay sumasaklaw sa maraming mga paksa na kinabibilangan ng mga pagkabigo ng pamilihan, mga pagkalabas (mga eksternalidad), at ang paglikha at pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan. Ang ekonimiks na pambayan ay nagbubuo magmula sa ekonomikang pangkapakanan at talagang ginagamit bilang isang kasangkapan upang mapainam ang kapakanan ng lipunan.[kailangan ng sanggunian]

Kabilang sa mga paraan at paksang pangmalawakan ang:

Ang pagbibigay ng diin ay nasa mga paraang pampagsusuri at pang-agham at pagsusuring pangpamantayan at pang-etika (normatibo at etikal), na maipagkakaiba magmula sa ideolohiya. Ang mga halimbawa ng paksang nasasakop ay ang pagkakataon ng buwis, pagbubuwis na optimal, at ang teoriya ng kalakal na pangmadla.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. • B. Douglas Bernheim at Antonio Rangel, 2008. "behavioural public economics," The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon Abstrakto.
       • Dani Rodrik, 1996. "Understanding Economic Policy Reform," Journal of Economic Literature, 34(1), pp. 9–41 Naka-arkibo 2009-04-19 sa Wayback Machine. (pindutin ang +).
  2. • Mrinal Datta-Chaudhuri, 1990. "Market Failure and Government Failure." Journal of Economic Perspectives, 4(3) , pp. 25-39[patay na link] (pindutin ang +).
       • Kenneth J. Arrow, 1969. "The Organization of Economic Activity: Issues Pertinent to the Choice of Market versus Non-market Allocations," nasa loob ng Analysis and Evaluation of Public Expenditures: The PPP System. Washington, D.C., Joint Economic Committee of Congress. Muling inilimbag na PDF bilang mga pahinang. 1-16 (pindutin ang +).
       • Joseph E. Stiglitz, 2009. "Regulation and Failure," na nasa loob ng David Moss at John Cisternino (mga patnugot), New Perspectives on Regulation, Kabanata 1, pp. 11-23. Naka-arkibo 2010-02-14 sa Wayback Machine. Cambridge: The Tobin Project.
  3. • Serge-Christophe Kolm, 1987. "public economics," The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 3, pp. 1047-48.
       • Anthony B. Atkinson at Joseph E. Stiglitz, 1980. Lectures in Public Economics, McGraw-Hill, pp. vii-xi.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.