Ekskresyon

(Idinirekta mula sa Ekskreta)

Ang ekskresyon (Ingles: excretion) ay isang proseso ng pagtatanggal o pag-aalis (eliminasyon) ng dumi ng katawan[1] o ng mga produktong dumi ng metabolismo at iba pang hindi-gamitin o hindi maiinam na mga materyal.[2] Kabilang sa mga duming napapalis ang tae, ihi, pawis[1], at suka. Isa itong mahalaga o esensiyal na proseso sa lahat ng mga anyo ng buhay. Kaiba ito sa sekresyon, kung saan ang sustansiya ay may espesipiko o tiyak na tungkulin pagkaraang makalabas o makaalis mula sa sihay o selula.

Isang bakang umiihi. Ang pag-ihi ay isang halimbawa ng ekskresyon o pagtatanggal ng dumi mula sa katawan.

Sa mga mikroorganismo o mga organismong mas isang selula lamang, tuwirang napapalabas ang mga produktong dumi o basura sa pamamagitan ng pagdaan sa kalatagan o kapatagan ng selula. Samantala, gumagamit ang mga organismong multiselular (organismong may maraming mga sihay o selula) ng mas masalimuot na mga metodo o pamamaraang ekskretoryo. Nagpapaalis ng mga gas o hangin ang mas matataas na mga halaman sa pamamagitan ng istomata sa ibabaw ng kalatagan ng mga dahon. Mayroong espesyal o natatanging mga organong ekskretoryo ang mga hayop.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Excretion - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Beckett, B. S. (1986). Biology: A Modern Introduction. Oxford University Press. p. 110. ISBN 0199142602.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.