Ang ektoderm, ektodermo, o ektoderma (Ingles: ectoderm, Kastila: ectodermo, Catalan: ectoderma) ay isa sa tatlong pangunahing mga patong o sapin ng selulang herminal o germ cell sa napakaagang embriyo. Ang dalawang pang ibang mga patong ay ang mesoderm (gitnang sapin) at ang endoderm (pinaka proksimal na sapin, o nakalagay na mas malapit sa gitna ng katawan o tuldok ng pagkakadikit), na ang ektoderm ang pinaka panlabas o pinaka malayong sapin.[1] Lumilitaw at nagmumula ito mula sa mas panlabas na patong mga selulang herminal. Ang salitang "ektoderm" ay nagmula sa Griyegong ektos na nangangahulugang "nasa labas", at derma na ang ibig sabihin ay "balat".[2] Sa kabuuran, ang ektoderm ay ang tisyung embriyoniko (tisyu ng embriyo) na humuhubog sa sistemang nerbiyos, mga organong sensoryo (mga organong pandama), at balat.[3]

Ektoderm
Mga organo na nagmula sa ektoderm.
Section through embryonic disk of Vespertilio murinus.
Mga detalye
Araw16
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.48
FMA69070

Sa pangkalahatan, ang ektoderm ay nag-iiba (diperensiyasyon) upang hubugin ang sistemang nerbiyos (gulugod, mga nerb na periperal at utak),[4][5] enamel ng ngipin at epidermis (ang panlabas na bahagi ng integumento). Hinuhubog din nito ang aporo o "saping guhit" ng bibig, butas ng puwit (anus), butas ng ilong (nostril), mga glandula ng pawis, buhok at mga kuko.[5]

Sa mga bertebrado, mayroong tatlong mga bahagi ang ektoderm: ektoderm na eksternal o panlabas (nakikilala rin bilang ektoderm na pang-ibabaw), ang tuktok na neural (neural crest), at tubong neural. Ang panghuling dalawa ay tinatawag na neuroektoderm.

Kasaysayan

baguhin

Kinikilalang si Heinz Christian Pander, isang biyologong Ruso, ang nakatuklas ng mga sapin na herminal na nabubuo habang nagaganap ang embriyohenesis. Natanggap ni Pander ang kaniyang duktorado sa soolohiya mula sa Pamantasan ng Wurzburg noong 1817. Sinimulan niya ang kaniyang pag-aaral sa embriyolohiya na gumagamit ng mga itlog ng manok, na nagpahintulot sa pagkakatuklas niya ng ektoderm, mesoderm at endoderm. Dahil sa kaniyang mga natuklasan, paminsan-minsang tinutukoy si Pander bilang ang "tagapagtatag ng embriyolohiya". Ang mga gawain ni Pander hinggil sa maagang embriyo ay ipinagpatuloy ng Prusyano-Estonyanong biyologong si Karl Ernst von Baer. Kinuha ni Baer ang konsepto ni Pander hinggil sa mga patong na herminal at sa pamamagitan ng ekstensibo (masaklaw) na pananaliksik ng maraming iba't ibang mga uri ng espesye, nagawa niyang paabutin ang prinsipyong ito sa lahat ng mga bertebrado. Ikinabit din kay Baer ang pagkakatuklas ng blastula. Inilathala ni Baer ang kaniyang mga natuklasan, kasama na ang kaniyang teoriya ng sapin na herminal, sa isang aklat-aralin na maisasalinwika bilang Hinggil sa Pag-unlad ng mga Hayop (On the Development of Animals) na inilabas niya noong 1828.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Langman's Medical Embryology, ika-11 edisyon. 2010.
  2. Gilbert, Scott F. Developmental Biology. Ika-9 na edisyon. Sunderland, MA: Sinauer Associates, 2010: 333-370. Print.
  3. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 558.
  4. "Bioethics". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-13. Nakuha noong 2014-09-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Simple Wikipedia (English)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-07. Nakuha noong 2014-09-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Baer KE von (1986) In: Oppenheimer J (ed.) and Schneider H (transl.), Autobiography of Dr. Karl Ernst von Baer. Canton, MA: Science History Publications.