Elektra

(Idinirekta mula sa Electra)

Sa mitolohiyang Griyego, Si Elektra o Electra (Griyego: Ἠλέκτρα, Ēlektra) ay isang prinsesa ng Argos (o prinsesang Argibo) at babaeng anak nina Haring Agamemnon at Reyna Clytemnestra (o Klytaimnestra). Siya at ang kanyang kapatid na lalaking si Orestes ang nagplano ng paghihiganti laban sa kanilang inang si Clytemnestra at ama-amahang si Aegisthus dahil sa pagkakapaslang sa kanilang tunay na amang si Agamemnon. Si Elektra ang pangunahing tauhan sa mga trahedyang Griyegong Electra ni Sophocles at Electra ni Euripides, at nagbigay ng inspirasyon sa samu't saring iba pang mga gawa. Ipinangalan din kay Elektra ang konseptong pangsikolohiyang Elektrang kompleks.

Si Elektra sa Puntod ni Agamemnon, ipininta ni Frederic Leighton, sirka 1869.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.