Elektromagnetikong alon
(Idinirekta mula sa Electromagnetic wave)
Ang elektromagnetikong liboy o elektromagnetikong alon ay isang alon o liboy sa puwang o espasyo na may mga bahaging may kuryente (elektriko) at may balani (magnetiko). Ang radyasyong elektromagnetiko ay inuuri ayon sa dalas ng alon: kabilang sa mga uring ito, ayon sa pagkakasunud-sunod ng kadalasan, along radyo, mikro-alon, radyasyong terahertz, radyasyong inprared, nakikitang liwanag, radyasyong ultrabiyoleta, sinag-X, at mga sinag na gamma. Sa ilang mga kontekstong teknikal, ang buong saklaw ay tinutukoy bilang 'liwanag' o 'ilaw' lamang.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "National Synchrotron Light Source, U.S.A." Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-15. Nakuha noong 2010-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.