Si Ellen Sicat ay isang Certified Public Accountant na nagtapos ng BS BA sa Unibersidad ng Pilipinas taong 1962. Ginamit niya ang kaniyang dunong sa pagtatrabaho sa mga pribadong kompanya bago niya ginugol ang sarili bilang asawa at ina. Siya ay naging may bahay ni Rogelio Sicat, isang manunulat at ina ng limang anak kabilang na si Luna Sicat-Cleto isa ring manunulat.

Nagsimulang magsulat si Ellen noong 1997 matapos mamayapa ang kanyang asawa, iginugol niya ang sarili dito bilang paraan ng paglimot sa sakit nanararanasan niya sa pagkamatay ng kabiyak. Mula noon nakasulat na siya ang iba't ibang uri ng literatura mapa-nobela, maikling kuwento, tula atbp. Ang ilang sa kanyang mga naisulat at nalathala sa iba't-ibang lathailaitn katulad ng Diliman Review, Mirror weekly, Ani, Likhaan,Lagda atpb. Ilan din sa kanyang mga naisulat ay nagtamo ng iba't ibang parangal katulad ng Paghuhunos, isang nobela, na ginawaran bilang First Book Award ng Pamilya Madrigal at UP Creative Writing Center.

Tatak na ni Ellen ang mga kuwentong may kinalaman sa relasyon mula sa loob ng pamilya hanggang sa malawak na lipunan. Bawat kuwento ay kaugnay sa kanyang karanasan bilang asawa, kapatid, kasintahan atbp. na may kinalaman sa tungkulin sa ng isang tao sa lipunan na idinikta ng kapaligiran.

Mga Maikling kuwento

baguhin

Menopause

baguhin

Nagsimula ang kuwento habang nagwawalis ang isang babae sa bakuran ng kanilang bahay nang may nagtanong na isang lalaki tungkol sa lugar kung saan matatagpuan ang nagkakatay ng baboy na si Aling Linda. Hindi niya alam kung paano ituturo sa lalaki ang lugar, sa halip sinamahan na lamang niya ito sa dahilan gusto rin niya ng sariwang dugo ng baboy para makapagluto ng dinuguan . Sa pagtunton ng lugar ni Aling Linda, may nakaharang na yuping trak sa kalye kung saan kabisado niya ang daan, kaya naman sa susunod na kanto na lamang sila lumiko, ngunit nalito na siya sa daan, hindi niya makita ang palatandaang bahay sa kanto kung saan nakatira si Aling Linda. Nagtanung-tanong siya sa bahay-bahay ngunit hindi pa rin nila matunton ang bahay, hanggang sa may nakita siyang binatilyo na nakamotorsiklo at tinanong niya kung alam nito ang daan, nabigo siya sa pag-aakalang alam na nito ang daan. Bigla na lamang sumampa ang lalaking kasama niya sa motorsiklo ng binatilyo at sinabing Bumata ito!, umalis na ang lalaki at naiwan ang binatilyo. Tinanong uli niya ang binatilyo kung saan ang bahay ng nagkakatay ng baboy, tinawanan lamang siya nito, animo'y baliw na nagpagulong gulong sa damuhan, pagkaraan ay biglang nawala ang binatilyo, may naligaw na tumatalbog na bola na hinabol ng tatlong binata, tinanong niya ang mga ito kung saan makikita ang nagkakatay ng baboy, ngunit nilayuan lamang siya ng mga ito, sa huli habang naglalakad siya nakasalubong niya ang isang matandang lalaki at tinanung niya, sinagot siya nito na may malapit na namang palengke dito, at sinabing doon na lamang ito bumili ng kailangan niya. Nang makarating siya sa palengke wala naman siyang mabiling dugo, tuyot na tuyot ang mga ito dahil na rin sa pinapatiktik daw ng mga nagtitinda ang dugo ng mga kinatay na baboy, ngunit wala naman siyang makitang dugo sa semento, nang bibili na siya at kinapa ang kaniyang bulsa, nagulat siya dahil ang nakapa niya ay ang kanyang hita, wala pala siyang suot na palda at panloob, hiyang-hiya siya dali-dali siyang lumabas ng palengke, ng makalabas ay may nag-abot ng palda at dali-dali niya itong isinuot. Mangiyak-ngiyak siya at nagsisikip ang dibdib dahil sa hinanakit na walang nagsabi sa kaniya ng kanyang itsura.

Mga Tauhan

baguhin
  • Isang babae ang pangunahing tauhan sa kuwento, siya ang tumulong sa lalaking naghahanap ng lugar ni Aling Linda.
  • Isang lalaki, siya ang nagtanung sa pangunahing tauhan sa kinaroroonan ng nagkakatay ng baboy na si Aling Linda.
  • Isang binatilyo na may roong motorsiklo na pinagtanungan ng pangunahing tauhan patungkol sa kinaroroonan ni Aling Linda.
  • Tatlong binata na pinangtanungan din ng pangunahing tauhan sa kuwento patungkol sa kinaroroonan ni Aling Linda.
  • Isang matandang lalaki na pinangtanungan din ng pangunahing tauhan sa kuwento patungkol sa kinaroroonan ni Aling Linda.

Ang menopause bilang isang yugto ng buhay ng isang babae at ang pagkalimot bilang sintomas nito ang paksa ng kuwentong ito. Inilalarawan din dito ang pagtingin ng lipunan (lalo na ang kalalakihan) sa kababaihang nakararanas nito bilang kahiyahiyang yugto ng buhay na pinagtatawanan dahil sa kaakibat nitong epekto sa mga babae.

Ang Kabit

baguhin

Si Dolpina ay anak ng katulong nabuntis ng kanyang amo, bagamat ito ang kanyang estado sa buhay, hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ama, binibilhan siya nito ng damit, laruan at sustento nang lumaki na siya, bukod dito ipinagamit din sa kanya ang apelyido nito. Iminungkahi ng kanyang ama na manilbihan ang kanyang ina sa kapatid na si Tita Fely. Si Tita Fely ay may anak na babae na nagngangalang Juliet, ito ang naging kasama-sama ni Dolpina mula pagkabata hanggang sa paglaki. Hindi na nakapagkolehiyo si Dolpina dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, nang mag-aral si Juliet sa UP Los Baños, isinama siya nito bilang kasama. Naging aktibista si Juliet at nagloo’y iniwan niya Dolpina sa pangangala ni Ate Pacita, kapatid ng kaibigan ni Juliet na nagngangalang Pura, doon naging katulong siya ngunit walang suweldo. Ipinasok ni Ate Pacita si Dolpina bilang konduktora ng kanyang pinsang si Gaston. Nagkaroon ng di iaasahang relasyon siya kay Gaston at sa huli ay nabuntis siya, dahil ayaw na siyang pansinin ni Gaston. Pinuntahan niya ang asawa nito at ipinagtapat ang mga nangyari, nagsumbatan lamang sila, sa huli umuwi na lamang si Dolpina sa probinsiya, sa kanyang ina.

Mga Tauhan

baguhin
  • Si Dolpina, anak ng isang katulong sa kanyang amo. Lumaki siyang bitbit ang pangalan ng kayang ama subalit ikinukubli bilang anak nito sa mata ng mamamayan.
  • Si Tita Fely, kapatid ng ama ni Dolpina na pasukan nila sa pangangatulong.
  • Si Juliet, kaisa-isang anak ni Tita Fely, sabay silang lumaki ni Dolpina.
  • Ate Pacita, pinsan ng kaibigan ni Juliet, kung saan ipinagkatiwala ni Juliet si Dolpina.
  • Gaston, pinsan ni Ate Pacita, manedyer ng kompanyang pinapasukan ni Dolpina.
  • Pura, kaibigan ni Juliet na pinsan ni Ate Pacita, isang aktibista.
  • Nanay ni Dolpina.
  • Ama ni Dolpina.

Ang isang babae bilang kabit ang siyang paksa ng kuwentong ito. Inilalarawan dito ang estado ng mga babae sa lipunan at sa loob ng pamilyang kanyang pinanghimasukan.

Ang Hiwalay

baguhin

Dumating si Jimmy sa bahay ng asawang si Susan ng maagang maaga, walang pag-uusap na naganap, matagal na silang hiwalay. May isang taong na silang ganito magmula ng madiskubre ni Susan na may babae ang kanyang asawa, kinamumuhian ni Susan ang kanyang asawa. Nahihirapan si Susan sa mga gastusin dahil sa paghihiwalay nila, wala siyang trabaho simula ng magiging mag-asawa sila, kung kailan magkakwarenta na ito at mahirap ng maghanap ng trabaho ay tsaka pa nagloko ang asawa. Nakakuha si Susan ng trabaho ngunit hindi ito sapat sa pagbuhay ng kanyang mga anak. Inihatid ng ama ang mga anak sa eskwelahan, inalok siya na ihatid sa trabaho ngunit nagmatigas siya at nagtiis sa pagsakay sa bus. Pagbalik niya naroon pa din ang kanyang asawa na pawang gustong doon magpalipas ng gabi. Namumuhi siya ngunit wala siyang magawa upang paalisin ang kanyang asawa sapagkat nagkakasiyahan ang kanyang mga anak kasama ito, ang alam ng mga anak ay naghiwalay sila bilang magkaibigan. Hindi niya alam kung saan matutulog sa gabing iyon, ayaw niyang makahalata ang kanyang mga anak sa tunay niyang damdamin, napilitan siyang manatili sa kwarto nilang mag-asawa, naligo siya, nagpahid ng krema at naglagay ng rollers sa buhok, ang mga ito ay ayaw ni Jimmy, sa huli kinandado niya ang kwarto.

Mga Tauhan

baguhin
  • Si Susan, ang may bahay ni Jimmy, siya ay pinagtaksilan ng asawa.
  • Si, Jimmy, ang asawa ni Susan, malaki ang sahod niya sa trabaho kaya paminsan-minsan ay binibigyan niya ng sustento si Susan para sa mga gastusin ngunit ayaw ni Susan na tangapin ito.
  • Manang, ang kasambahay nila.
  • Mga anak ng mag-asawa.
  • Oscar, ang boss ni Susan, nagpapahiwatig ito ng pagtatangi kay Susan.

Ang pakikisama ng isang babaeng nasaktan sa nangalunyang asawa ang paksa ng kuwentong ito. Bukod dito makikita rin ang pagbabago ng babae sa pagiging maybahay lamang tungo sa pagkakaroon ng trabaho sa panahong hindi na akma ang edad sa papasukan pati na rin ang mga kaakibat na suliranin nito.

Sanggunian

baguhin

Sicat, Ellen (2003). Alimuom : kalipunan ng mga kuwento. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

____ (2011). Ellen L. Sicat. Retrieved 30 Abril 2011 from Panitikan.com.ph/authors/s/elsicat.htm.