Eloise (mga aklat)

(Idinirekta mula sa Eloise)

Ang Eloise ay isang serye ng aklat na isinulat ni Kay Thompson at iginuhit ni Hilary Knight. Si Eloise ay isang batang nakatira sa tanyag na Plaza Hotel sa New York City, kasama ang kanyang Nanny, ang alaga niyang aso na si Weenie, at ang pagong na si Skipperdee.

Eloise
Logo ng Eloise na serye ng aklat
May-akdaKay Thompson
IlustrasyonHilary Knight
TagapaglathalaSimon & Schuster
Petsa ng paglathala
1955

Noong 2003, dalawang pelikula base sa unang dalawang aklat ang ginawa ng Walt Disney Television, pinamagatang Eloise at the Plaza at Eloise at Christmastime, na ginampanan ni Sofia Vassilieva bilang Eloise at ni Julie Andrews bilang Nanny. Noong 2006, isang animadong serye base sa mga karakter ng libro ang ipinalabas sa Starz! Kids & Family, na pinagbibidahan ni Mary Matilyn Mouser bilang Eloise at ni Lynn Redgrave bilang Nanny.

Isang pelikula na pinamagatang Eloise in Paris ang nilikha ni Nigel Cole, direktor ng Calendar Girls at A Lot Like Love, na plano sanang ipalabas noong 2008. Si Uma Thurman ang napiling gumanap bilang nanny o yaya ni Eloise, samantalang si Jordana Beatty naman ay napiling gumanap sa papel ng bida, ngunit nauwi sa wala ang paglikha sa pelikula na siyang ikinagalit ni Thurman, na nahantong sa pagsasampa ng kaso laban sa Handmade Films na siyang may hawak ng produksyon.[1]

Noong 2020 ay ipinahayag na uumpisahan uling likhain ang isang pelikulang base sa serye, na siyang isusulat ni Linda Woolverton at ipinrodus ng Handmade Films.[2][3][4]

Mga aklat

baguhin

Telebisyon

baguhin

Mga pelikula

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Uma Thurman Settles £6M 'Eloise' Lawsuit". www.deadline.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-06-03. Nakuha noong 2022-07-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "A new adventure for Eloise and her fans". Eloise.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rubin, Rebecca; Rubin, Rebecca (2020-11-12). "'Eloise' Live-Action Movie in the Works". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kroll, Justin; Kroll, Justin (2020-11-12). "'Beauty And The Beast' Scribe Linda Woolverton To Pen 'Eloise' Adaptation For MRC Film". Deadline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Won Tesoriero, Heather (2002-02-09), "Welcome Back, Eloise", Time, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-27, nakuha noong 2008-04-21{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin



  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.