Elsa Coscolluela
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Disyembre 2020) |
Si Elsa M. Coscolluela ay mula sa Negros Oriental at nagtapos ng kanyang pagaaral sa Lungsod ng Dumaguete noong 1973. Nakilala siya sa pagsusulat ng mga dula. Nasa kolehiyo pa lamang siya nang malathala sa Philippine Free Press, Asia Philippines Leader at Women's Magazine ang kanyang mga dula. Ang kanyang dulang In Frailty's Grace ay nagwagi ng unang gantimpala sa 1969 CCP Play Writing Contest. Sa 1968 CPMAL nakuha niya ang unang gantimpala para sa dulang All About Me . Ang Her Becoming and Other Poems ay nakakuha ng ikatlong gantimpala nang sumunod na taon.
Elsa Coscolluela | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Ang kanyang maikling kuwento sa Ingles na pinamagatang After This, Our Exile ay nagwagi rin noong 1970. Nagbigay din sa kanya ng karangalan ang kanyang dulang The Renegade. Tumanggap din siya ng parangal mula sa Loyola Poetry Writing Contest at Weekly Women's Magazine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.