Ang Emerson ay isang pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Joseph Blumenthal. Noong 1930, pinutol ang tipo ni Louis Hoell sa Bauer Type Foundry sa Frankfurt at pinangalang Spiral. Pagkatapos, noong n 1935, pinutol muli ni Stanley Morison ang tipo, kasama ang italiko, para sa Monotype Corporation sa Inglatera. Unang lumabas ang pamilya ng tipo ng titik sa isang natatanging, pribadong-peryodikong edisyon ng sanaysay ni Ralph Waldo Emerson na Nature, at sa gayon, ang bersyong Monotype ay naging kilala bilang Emerson.[1]

Monotype Emerson
KategoryaSerif
Mga nagdisenyoJoseph Blumenthal
FoundryMonotype Corporation
Petsa ng pagkalabas1935
Mga baryasyonPilipit

Nakikilala ang Emerson sa kanyang mga serif sa paanan sa maliit na titik "a", "d" at "u", at ang malawak na mga kapital (lalo na ang "M"). Katulad ang katangian ng pamilya ng tipo ng titik na ito sa klasikong Renasimiyentong mga tipo, at ang malambot at mapurol na anyo nito ay dinisenyo para umakma sa reproduksyong photogravure.[2]

Paggamit sa Emerson

baguhin

Ginamit ang Emerson sa tagpuan ng Golden Encyclopedia ng 1946, na isang may larawang ensiklopedya pambata na nilimbag ng Golden Press sa New York, Estados Unidos.

 
Paggamit ng Emerson

Paglabas

baguhin

Isang bersyon ng Emerson ang kamakailan lamang lumabas na naging isang pamilya ng tipo ng titik para sa paggamit sa mga kompyuter mula sa Nonpareil Type.[3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Spiral & Emerson: An Interview with Joseph Blumenthal" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Old Emerson Typeface on Typophile.com" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-14. Nakuha noong 2019-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Nonpareil Type" (sa wikang Ingles). Nonpareil Type. Nakuha noong 16 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Emerson Nonpareil Specimen" (PDF) (sa wikang Ingles). Nonpareil Type. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-12-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)