Si Emperador Suizei (632 BK - Hunyo 28, 549 BK), na kilala rin bilang si Kamununakawamimi no Mikoto (Hapones: 神沼河耳命), ay ang ikalawang emperador ng Hapon ayon sa kinamihasnang kaayusan ng halinlinan. Itinatagurian siya bilang isang "maalamat na emperador" ng mga mananalaysay dahil ang kanyang aktuwal na pag-iral ay pinagtatalunan. Ayon sa isang maalamat na salaysay sa Kojiki, siya ay naging emperador pagkatapos niyang matanggap ang titulong koronang prinsipe mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Kamuyaimimi dahil sa kanyang kagitingan sa isang balak na pagpatay. Naghari siya mula 581 BK hanggang sa kanyang pagkamatay noong 549 BK, kung saan sinundan siya ng kanyang nag-iisang anak na si Emperador Annei. Siya ang ikalawang emperador na naghari sa panahon ng puktol ng Jomon, na tumagal mula 14,000 BK hanggang 300 BK.

Emperador Suizei
綏靖天皇
Ika-2 Emperador ng Hapon
Panahon Pebrero 23, 581 BK –
Hunyo 28, 549 BK (tradisyonal)
Sinundan Emperador Jimmu
Sumunod Emperador Annei
Koronasyon Enero 581 BK
Asawa Emperatris Isuzuyori-hime
Anak Emperador Annei
Pangalan pagkamatay
Kun'yomi: Kamu-nunakawamimi no Sumeramikoto (神渟名川耳天皇);
Kamu-nunakawamimi no Mikoto (神沼河耳命)
On'yomi: Emperador Suizei (綏靖天皇)
Lalad Imperyal na Bahay ng Hapon
Ama Emperador Jimmu
Ina Emperatris Himetataraisuzu-hime
Kapanganakan Kamununakawamimi (神渟名川耳尊)
632 BK
Kamatayan Hunyo 28, 549 BK (edad 83)
Libingan Tsukida no oka no e no misasagi (桃花鳥田丘上陵)
Kashihara, Nara, Hapon (maalamat)
Pananampalataya Shinto

Alam na Impormasyon

baguhin
 
Ang Kan'ei Kojiki, ang unang nilimbag na bersyon ng Kojiki, sa Pamantasan ng Kokugakuin.

Ang pag-iral ng hindi bababa sa unang siyam na emperador ay pinagtatalunan dahil sa hindi sapat na materyal na maaaring magamit para sa karagdagang pagpapatunay at pag-aaral. Dahil dito, itinatagurian si Suizei ng mga mananalaysay bilang isang "maalamat na emperador", at niraranggo siya bilang ang una sa walong emperador na walang tiyak na mga alamat na nauugnay sa kanila. Ang pangalang Suizei, na literal na nangangahulugang "masayang malusog na kapayapaan", ay postumong itinalaga sa kanya ng mga sumunod na salinlahi. Sinasabi na maaaring pinalagi ang kanyang pangalan ilang dantaon pagkatapos ng buhay na itinalaga sa kanya, posible na noong panahon kung saan ang mga alamat tungkol sa pinagmulan ng halaring Yamato ay pinagsasama-sama bilang mga talaan na kilala ngayon na Kojiki. Ang karaniwang tinatanggap na mga pangalan at petsa ng mga unang emperador ay hindi kinumpirma bilang "tradisyonal" hanggang sa paghahari ni Emperador Kammu, ang ika-50 emperador ng Hapon, noong 781 hanggang 806.[1][2][3][4]

Maalamat na Salaysay

baguhin
 
Si Emperador Jimmu, ang ama at hinalinhan ni Emperador Suizei.
 
Si Emperador Annei, ang nag-iisang anak at kahalili ni ni Emperador Suizei.
Monumento ng maalamat na palasyo ni Emperador Suizei
Ang pang-alaalang puntod ni Emperador Suizei

Habang ang Kojiki ay nagbibigay ng kaunti lamang na impormasyon tungkol kay Suizei, isinasaad nito ang kanyang pangalan, talaangkanan, at isang talaan tungkol sa kanyang pagtaas sa trono. Isinilang siya noong 632 BK. Siya ang pinakabatang anak nina Emperador Jimmu, ang kauna-unahang emperador ng Hapon, at Emperatris Himetataraisuzu-hime, ang punong asawa ni Emperador Jimmu at isang anak ng Shintong kami na si Kotoshironushi. Mayroon siya ng limang kapatid. Ang kanyang dalawang buong kapatid ay sina Prinsipe Hikoyai at Prinsipe Kamuyaimimi. Ang kanyang tatlong kapatid sa ama (ang kanilang ina ay si Ahiratsu-hime, isang konsorte ni Jimmu) ay sina Prinsipe Tagishimimi, Prinsipe Kisumimi, at Prinsesa Misaki. Kinilala siya bilang si Prinsipe Kamununakawamimi. Nang mamatay si Jimmu, ang orihinal na koronang prinsipe na si Prinsipe Kamuyaimimi ang inasahang maghahalili sa kanya. Gayunpaman, si Prinsipe Tagishimimi ay nagtangkang agawin ang trono sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng mga humadlang sa kanya. Nang malaman ni Himetataraisuzu-hime ang balak ay sinubukan niyang balaan ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng mga kanta at tula. Gumawa naman si Kamununakawamimi ng pana at palaso, at pagkatapos siyang samahan ni Kamuyaimimi ay ginulat nila si Tagishimimi. Habang hinimok ni Kamununakawamimi si Kamuyaimimi na patayin si Tagishimimi, hindi niya mahanap sa kanya ang pagpatay sa sarili niyang kapatid sa ama. Nakiusap si Kamununakawamimi sa kanyang nakatatandang kapatid para sa pana at palaso, at nang matanggap niya ito ay pinatay niya si Tagishimimi noong Nobyembre 582 BK. Pagkatapos nito ay sinuko ni Kamuyawimimi ang kanyang karapatan bilang koronang prinsipe at binigay niya ito kay Kamununakawamimi dahil naniwala siya na ang kanyang mas magiting na nakababatang kapatid ay ang karapat-dapat na maging bagong emperador. Siya'y kinoronahan noong Enero ng 581 BK. Nakasaad sa Kojiki na namuno siya mula sa palasyo ng Takaoka-no-miya (葛城高岡宮) sa Katsuragi sa kung ano ang makikilala bilang lalawigan ng Yamato (ngayo'y Prepektura ng Nara sa Honshu). Karaniwang inilalagay ang kanyang panahon ng paghahari sa Pebrero 23, 581 BK hanggang Hunyo 28, 549 BK. Ikinasal siya kay Isuzuyori-hime at nagkaroon sila ng isang anak, si Prinsipe Shikitsuhikotamatemi. Namatay siya noong Hunyo 28, 549 BK. Habang ang kanyang aktuwal na libingan ay hindi alam, tradisyonal siya na iginagalang sa isang imperyal na pang-alaalang puntod na kasalukuyang pinapanatili sa lungsod ng Kashihara, na pormal na pinangalanang Tsukida no oka no e no misasagi. Pagkatapos ng kanyang pagkamatay ay hinalinhan siya ni Prinsipe Shikitsuhikotamatemi, na sa kalaunan ay naging si Emperador Annei.[5][6][7][8][9][10][11][12]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Kelly, Charles F. "Kofun Culture". www.t-net.ne.jp. Nakuha noong Mayo 7, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Shillony, Ben-Ami (2008-10-15). The Emperors of Modern Japan (sa wikang Ingles). BRILL. p. 15. ISBN 978-90-474-4225-7. Kilala rin bilang ang "walong hindi dokumentadong monarko" (欠史八代, Kesshi-hachidai).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Brinkley, Frank (1915). A History of the Japanese People from the Earliest Times to the end of the Meiji Era. Encyclopaedia Britannica Company. p. 21. Ang mga postumong pangalan para sa mga makamundong Mikados ay ginawa sa panahon ng paghahari ni Emperador Kanmu (782–805), i.e., pagkatapos ng petsa ng pagtitipon ng Mga Talaan at ng Mga Salaysay.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Aston, William George. (1896). Nihongi: Chronicles of Japan from the Earliest Times to A.D. 697, Volume 2. The Japan Society London. pp. 109, 138–141. ISBN 9780524053478.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kenneth Henshall (2013). Historical Dictionary of Japan to 1945. Scarecrow Press. p. 487. ISBN 9780810878723.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. https://www.japanese-wiki-corpus.org/emperor/Emperor%20Suizei.html
  7. Brown, Delmer M. and Ichirō Ishida (1979). A Translation and Study of the Gukanshō, an Interpretative History of Japan Written in 1219. University of California Press. pp. 250–251. ISBN 9780520034600.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Norinaga Motoori (2007). The Poetics of Motoori Norinaga: A Hermeneutical Journey. University of Hawaii Press. p. 191. ISBN 978-0-8248-3078-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Chamberlain, Basil. The Kojiki. Read before the Asiatic Society of Japan on April 12, May 10, and June 21, 1882, reprinted in 1919. p. 184.
  10. Titsingh, Isaac. (1834). Nihon Ōdai Ichiran (sa wikang Pranses). Royal Asiatic Society, Oriental Translation Fund of Great Britain and Ireland. p. 3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Ponsonby-Fane, Richard (1959). The Imperial House of Japan. Ponsonby Memorial Society. p. 29 & 418.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "綏靖天皇 (2)". Imperial Household Agency (Kunaichō) (sa wikang Hapones). Nakuha noong Mayo 7, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)