Si Emperatris Gi (o Ki; Koreano기황후; 1315–1369/70), kilala bilang Emperatris Qi (o Ch'i; 奇皇后) sa Tsino at Öljei Khutuk (Өлзий хутуг) sa Mongol, ay isang babae ng emperador na nang lumaon ay naging emperatris ni Emperador Huizong o Toghon Temur. Siya rin ang ina ni Ayushiridara. Bagamat hindi alam ang kanyang pangalan sa Koryo kung saan siya ipinanganak. Ang pangalan niya sa wikang Mongol ay Oljei Khutugh at ginamit ang pangalang Bo Hyun-Seok. Mula siya sa Koreanong pamilya na aristokratiko.

Siya ay anak na babae ni Ki ja-Oh at Lee Heng-Geum at kapatid nila Ki Seok, Ki Cheul, Ki won, Ki Jo at Ki Ryun. Ang kanyang buhay bago siya ipadala sa palasyo ng Yuan ay hindi alam maliban na lamang sa ginawa siyang kabayaran ng Koryeo sa Yuan. Sa kabutihang palad, Nakilala niya si Go-Yong Bo, isang eunukong nagtatrabaho sa palasyo na mula sa Koryeo. Sa tulong ni Go Yong-Bo nagtrabaho siya bilang alipin at tagasilbi ng pagkain at inumin ng emperador hanggang sa maging babae ng hari.

Si Khatun Budashiri ay may kaugnayan kay Danashri kung kaya't matapos maghimagsik ang kanyang kapatid na si Tangqishi at maparatangan ng pagtataksil sa bayan si Emperatris Danashri at ang kanyang pamilya noong 1340. Napaalis din sa katungkulan si Budashiri. Sinubukang ilagay ni Emperador Toghon Temur si Emperatris Ki ngunit dahil hawak ni Bayan ang kapangyarihan kung kayat naging pangalawang emperatris kasunod ni Bayan Khutugh ng angkan ng Khunggirad. Noong 1353, Binalak at nagtagumpay si Emperatris Ki na ilagay bilang prinsipe ang kanyang anak na si Ayushiridara sapamamagitan ng eunukong si Bak Bulhwa, binigyan ng emperador ng titulo ang pamilya ng emperatris maging ng espesyal na libingan ang ama ng emperatris at nilagay bilang ministro ng Koryeo ang kapatid na si Ki Chul habang sa hukbong Deok Yang naman si Ki Won.

Naging maimpluwensya ang pamilya Ki sa Koryo lalung lalo na si Ki Chul na siyang naging banta ngunit hindi nagtagal, ipinapatay ni Haring Gongmin ang pamilya ni Lady Ki noong 1356 at ipinatanggal sa posisyon ang mga aristokrata at opisyal na maka Mongol.

Sa galit ni Enperatris Ki, inilagay niya sa posisyon si Tash Temur at ipinasalakay sa sampung libong sundalo ang Korea upang mapaalis sa trono si Haring Gongmin ngunit habang tumatawid ng Ilog Yalu ay tinalo sila ng hukvi ng Koryeo noomg 1364.

Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng tagasuporta at tutol sa prinsipe. Sinalakay ng pinuno ng oposisyon na si Bolud Temur ang kabisera noong 1364.

Ipinakulong ni Bolud Temur si Emperatris Ki habang tumakas si Ayushiridara patungo kay Koke Temur na tagasuporta na kanyang tagasuporta. Nang sumunod na taon, napaalis ni Koke Temur si Bolud Temur at muling binalak ni Emperatris Ki na gawing pinuno ang anak ngunit sa tulong ni Koke Temur

Sa pagkamatay ni Bayan Khutugh, siya ang humalili bilabg emperatris ngunit sa pagbagsak ng pamumuno ng Mongol sa Tsina, napilitan siyang tumakas at nagtungo sa Yingchang kasama ng kanyang anak na si Ayu shiridara kung saan siya ay naging inang emperatris habang si Ayushiridara ang naging emperador. Sinasabi na tumakas siya at nagtungo sa Inner Mongolia at doon namatay noong 1369. Ang kanyang libingan ay matatagpuan sa Yeoncheon, probinsya ng Gyeonggi, Korea bagamat nawala ang lapida noong panahon ng digmaan ng Korea.

Mga sanggunian

baguhin
  • encyclopedia.kids.net.au
  • Whutwhatwat.tumblr.com - Drama Fact v. Fiction:Empress Ki
  • abitofhistory.net