Enerhiyang nukleyar

(Idinirekta mula sa Enerhiyang nuklear)

Ang enerhiyang nukleyar ay galing sa paghihiwalay o paghahati ng mga atomo ng uranyo sa isang proseso ng tinatawag na nukleyar fission. Sa isang planta ng kuryente ang proseso ng fission ay ginagamit upang makagawa ng init, ang init na ito ay gagamitin para makagawa ng mainit na singaw para gamitin sa turbina para makagawa ng kuryente.

Ang enerhiyang nukleyar kasulukyang nagbibigay ng halos labing lima (15) porsyento ng kuryente sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay merong apat na raan at tatlumput siyam (439) na nukleyar reactor na umaandar sa tatlumpu't isang bansa (31) ngayon sa mundo.

Marami ang tumututol sa paggamit ng enerhiyang nukleyar dahil sa mga aksidente sa nakaraan katulad ng Chernobyl Disaster sa USSR, ang Three Mile Island Disaster sa Estados Unidos at ang sakuna sa Fukushima Daiichi sa Hapon.

Kung masusing pagaaralan ang presyo per kilowat hour sa enerhiyang nukleyar ay mas mura kesa sa mga nakasanayang karbon o diesel na mga planta ng kuryente. Ang nukleyar na enerhiya ay ang pinakamagandang sa mga alternatibo ang dapat lamang ay tamang pagpaplano at ang pagpapatakbo nito ng maayos at ligtas.

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.