Enrique Dupuy de Lôme
Si Enrique Dupuy de Lôme[1] ay isang dating Kastilang embahador para sa Estados Unidos. Dahil sa tinatawag na liham na De Lôme (De Lôme Letter), na naglalaman ng paninirang puri sa pangulo ng Estados Unidos noon na si William McKinley. Nakadagdag ang sulat niyang ito sa pagkakaroon ng Digmaang Kastila-Amerikano.
Liham na De Lôme
baguhinNakasanhi ng suliraning diplomatiko sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos noong 1898. Isinulat ni Enrique Dupuy de Lôme ang liham na ito noong nasa tungkulin siya bilang Kastilang Ministro ng Kagawaran ng mga Asikasuhin sa Embahada ng Espanya sa Washington D.C.. Ipinadala ang liham, na pribado lamang sana, sa kaniyang kaibigang si Don Jose Canelejas, isang opisyal sa Havana, subalit ninakaw mula sa Tanggapan ng mga Liham ng Havana at inilantad ng mga rebolusyonaryong Cubano sa isang pahayagan ni William Randolph Hearstt. Sa loob ng liham, isinulat ng ministro na walang pasubali na ang Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ay "...mahina at pumapanig sa mga nasa mababang antas..." na tao... "at, anupaman, isang mababang uri ng politiko, na nag-iibig mag-iwan ng bukas na pinto para sa akin at para makatayo ng may karangalan kapiling ang mga mayayabang na tao sa kaniyang partido."[2] Noong Pebrero 9, 1898, inilathala ang liham sa New York Journal.
Nag-init ang damdamin ng pangkaraniwan nang tahimik na pangulong MacKinley dahil sa pangyayaring ito. Nakasanhi rin ang kaganapan ng pagbaling ng damdamin ng mga mamamayan para pumanig sa Huntang Cubano at maging laban sa mga Kastila. Tinatawag itong isa sa mga pangunahing diklap ng pagkakaroon ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898.
Sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Karnow, Stanley (1989). "Enrique Dupuy de Lome". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salin mula sa Ingles: "...weak and catering to the rabble, and, besides, a low politician, who desires to leave a door open to me and to stand well with the jingoes of his party."
Bibliyograpiya
baguhinPanlabas na kawing
baguhin- The De Lôme, sa Wikisource.org
- The DeLome Letter[patay na link], sa SpanAmWar.com
- OurDocuments.gov
- Engaging Students in American History Naka-arkibo 2008-04-29 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.