Enrique Mendiola
Si Enrique José Mendiola y Victorino (ika-3 ng Mayo 3 1859 — ika-30 ng Marso 1914) isang guro at may-akda ng aklat-aralin na nagtaguyod ng karapatan para sa edukasyon. Siya ay ipinanganak sa San Miguel, Maynila kina Quintin Mendiola, isang panday, at Maria Escolastica Victorino.[1][2]
Nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran. Nagsimula siyang magturo pagkatapos magtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santos Tomas at kalaunan ay nagtapos ng kurso sa pilosopiya at liham.
Itinatag ni Mendiola ang La Invencion de la Santa Cruz School sa Calle Ongpin sa Binondo, Maynila na itinuturian na isa sa mga natatanging paaralang pinangangasiwaan ng Pilipino noong panahong iyon. Ang paaralang ito ay nagalay ng pagtuturo mula sa mababa hanggang mataas paaralan. Sa ikalawang semestre ng taong akademiko 1898-99, nagsimula ang paaralan na magbigay ng mga kurso sa wikang Inggles sa ilalim ng isang Amerikanong guro.
Si Mendiola ay naging direktor ng Instituto Burgos na itinatag ng rebolusyonaryong gobyerno sa Malolos, Bulacan, at pagkatapos noon, ang Liceo de Manila.
Ang kalye ng Mendiola — ang makasaysayang lansangang malapit sa Palasyo ng Malacañang sa San Miguel, Maynila — ay ipinangalan sa kanya.
Mga aklat na sinulat ni Enrique Mendiola
baguhin- Programa de Gramática Castellana (1892), isang aklat-aralin para sa unang kurso sa gramatika ng Espanyol
- Programa de Gramática Castellana y Latina (1893)
- Programa de Historia Universal (1892)
- El Instructor Filipino (1898)
- Doctrina Civil (1901), in collaboration with Ignacio B. Villamor
- A Puntes Sobre la Historia de Filipinas (1910)