Pagtaya sa epekto sa kalikasan

Ang pagtatása ng epekto ng isang desisyon sa kapaligiran bago ito gawin
(Idinirekta mula sa Environmental impact assessment)

Ang pagtaya sa kalikasan (sa wikang Ingles: environmental assessment o EA) ay ang pagtaya ng maibubunga (positibo man o negatibo) sa kalikasan ng isang balakin, alituntunin, programa, o mga konkretong proyekto bago pa man ang pasya na gawin na ang iminungkahing aksyon. Sa konteksto ito, ang katawagang "environmental impact assessment" (EIA) o pagtaya sa epekto sa kalikasan ang kadalasang ginagamit sa mga konkretong proyekto ng mga indibiduwal o mga kumpanya at ang katawagang "strategic environmental assessment" (SEA) o "stratehikong pagtaya sa kalikasan" ay ginagamit sa mga patakaran, balakin at programa na pinakakadalasang minumungkahi ng mga ahensiya ng estado.[1] Maaring pinamamahalaanan ang mga pagtaya sa kalikasan ng mga patakaran ng administratibong pamamaraan hinggil sa pagkikilahok ng publiko at dokumentasiyon ng paggawa ng pasya, at maaring sumailalim sa pagsusuri ng hudikatura.

Mga sanggunian

baguhin