Epektong triboelektriko
Ang epektong triboelektriko na kilala rin bilang pagkakargang triboelektriko ay isang uri ng elektripikasyong pagdidikit kung saan ang ilang mga materyal ay nagkakaroon ng kargang elektriko pagkatapos madikit sa iba pang materyal sa pamamagitan ng priksiyon. Ang pagkikiskis ng isang baso sa balahbio o isang suklay sa buhok ay maaaring magtipon ng triboelektrisidad. Ang polaridad at lakas ng mga kargang nalilikha ay magkakaiba ayon sa mga materyal, pagiging magaspang ng ibabaw nito, temperatura, strain at iba pang mga katangian. Kaya, ito ay hindi napaka-mahuhulaan at ang malawak na mga paglalahat lamang ang magagawa. Ang amber halimbawa ay maaaring magkamit ng kargang elektriko sa pamamagitan ng pagdikit at paghihiwalay(o priksiyon) sa isang materyal tulad ng lana. Ang katangiang ito na unang itinala ni Thales ay nagmungkahi ng "elektrisidad" (Mula sa simulang pag-iimbento ni William Gilbert na "electra") mula sa salitang Griyego para sa amber na ēlektron. Ang iba pang mga halimbwa ng materyal na maaaring magkamit ng isang malaking karga kapag nakiskis ng magkasama ay kinabibilangan ng baso sa sutla at matigas na goma sa balahibo.