Epimeteo

(Idinirekta mula sa Epimetheus)

Si Epimeteo o Epimetheus ay isang diyos na Titano ayon sa mitolohiyang Griyego. Kapatid siya ni Prometheus. Hindi tulad ng ibang mga Titano, naging kakampi siya, kasama ng kapatid, nina Zeus at ng iba pang mga diyos ng Bundok ng Olimpo.[1]

Inalok ni Pandora ang kahon kay Epimeteo.

Pangalan

baguhin

Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "pag-iisip pagkaraan ng isang kaganapan o gawain".[1][2] Pasumpungsumpong, padalusdalos o pabiglabigla ang kanyang paggawa, na dulot ng udyok, bugsok, o tulak ng damdamin. Hindi muna siya nag-iisip o nagmumunimuni bago gumawa ng isang bagay, o isang impulsibong diyos.[2]

Paglalarawan

baguhin

Bilang mga kakampi ni Zeus, naatasan siya at ang kapatid na si Prometheus sa gawaing paglikha ng mga taong lalaki at ng mga hayop ng mundo. Nagawa niyang lumikha ng mga hayop na may kaaya-ayang mga katawan at palamuting mga balahibo, kabibe, may lakas at tapang, at may mga matang nakatuon sa lupa. Subalit nang gagawin na ang taong lalaki, kinailangan niya ang tulong ng mas mapag-isip munang si Prometheus, sapagkat wala nang katangiang maisip si Epimetheus na maibibigay sa tao.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Epimetheus, afterthought". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina .
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Afterthought - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.