Simbahang Eritreong Ortodoksong Tewahedo
Ang Simbahang Eritreong Ortodoksong Tewahedo ay isang Simbahang Ortodoksong Oriental. Ang autosepalyo nito ay kinilala ni Papa Shenouda III pagkatapos makamit ng Eritrea ang kalayaan nito noong 1993. Ang Tewahdo (Te-wa-hido) (Ge'ez ተዋሕዶ tawāhidō) ay isang salitang Ge'ez na nangangahulugang "ginawang isa". Ang mga Patriarka ng Alexandria, Antioch, Herusalem at iba pa ay tumangging tanggapin ang doktrinang "dalawang kalikasan" na inatas ng emperador ng Imperyong Bisantino na si Marcian sa Konseho ng Chalcedon noong 451 CE at kaya ay naghiwalay ng mga ito mula sa Katoliko at Silangang Ortodokso. Ang mga Simbahang Oriental Ortodokso na sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng Simbahang Koptikong Ortodokso, Simbahang Armenianong Apostoliko, Simbahang Syriakong Ortodokso at Simbahang Malankarang Ortodoksong Syriano ng India ay tinutukoy na "Hindi-Chalcedonian" at minsang tinutukoy ng mga tagalabas na monopisito na nangangahulugang "isang kalikasan" bilang reperensiya kay Kristo na isang tinatayang salin ng ng pangalang Tewahido. Gayunpaman, inilalarawan ng mga Simbahang ito ang kanilang Kristolohiya bilang miapisita.
Eritrean Orthodox Tewahedo Church
ተዋህዶ ቤተ ክርስትያን ኤርትራ Tewahədo Bet'ə K'rstian Ertra'' | |
Eritrean Cross | |
Tagapagtatag | The Apostle and Evangelist Mark in AD 42 Alexandria, Saint Frumentius in AD 328 Axum |
Independensiya | From Alexandria in 1998 |
Rekognisyon | Oriental Orthodox |
Primado | Abune Dioskoros |
Headquarters | Asmara, Eritrea |
Teritoryo | Global |
Mga pag-aari | |
Wika | Ge'ez, Tigrinya |
Mga tagasunod | 3,030,000[1] |
Websayt | Eritrean Diocese in North America |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Christian Population as Percentages of Total Population by Country". Global Christianity. Pew Research Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2018. Nakuha noong 22 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)