Mustela erminea

(Idinirekta mula sa Ermina)

Ang Mustela erminea (maaring tawagin na "arminyo", "mustelang ermino", "mustelang may maikling buntot" o "mustelang maiksi ang buntot", "wisel na may maigsing buntot" o "wisel na may maigsing buntot", "ermino", "ermina", "ermin", "ermelin", "ermelino", "ermelina") (Ingles: stoat, ermine, ermelin, shorttail weasel, short-tailed weasel; Kastila armiño), ay isang maliit na mamalya sa pamilyang Mustelidae. Sa Ingles, paminsan-minsang tinatawag lamang itong stoat (bigkas: /is-towt/) kapag mayroon itong kayumangging balahibo, at ermine (bigkas: /er-min/) kung may puting balahibo.

Mustela erminea
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Pamilya: Mustelidae
Sari: Mustela
Espesye:
M. erminea
Pangalang binomial
Mustela erminea
Linnaeus, 1758
Map ng sakop.

Likas na kasaysayan

baguhin

Matatagpuan ang ermino sa halos lahat ng mga lugar sa buong hilagang mga rehiyong sub-artiko, artiko, at yaong may banayad na klima ng Europa, Asya, at Hilagang Amerika. Dahil sa hindi matagumpay na matabanan o makontrol ang populasyon ng mga kuneho, ipinakilala at pinakawalan ito sa Bagong Selanda. Malawakang nokturnal at krepuskular ang mga hayop na ito ngunit minsan ding lumalabas tuwing araw o umaga.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Reid, F. & Helgen, K. (2008). Mustela erminea. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 21 March 2009. Kabilang sa kalipunan ng mga dato ang isang maiksing katuwiran kung bakit hindi ikinababahala ang pag-iral ng uring ito.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.