Ang eroge (エロゲ or エロゲー, erogē, binibigkas na [eɽoɡe]; pinagsamang salita na erotic game: (エロチックゲー, erochikku mu)) ay isang uri ng larong pornograpiya na gawa sa bansang Hapon.

Kasaysayan

baguhin

Ang Erogeng Hapon, kilala rin sa tawag na H-games o larong hentai,[1] ay nagsimula sa panahon ng dekada 80, kung saan ipinakilala ng mga Hapones na kompanya ang kanilang sariling brand ng microcomputer para makipagkompetensya sa mga brand na nanggaling sa Estados Unidos. Ang mga nakipagkompetensya ay ang Sharp X1, Fujitsu FM-7, MSX, at NEC PC-8801. Laging nahuhuli ang NEC sa kanyang mga kakompetensya kung ibabase sa hardware (na mayroon lamang 16 na kulay at walang sound support) at kailangan makahanap ng paraan upang makontrol ang merkado. Kung kaya naimbento ang larong erotika. Ang pinakaunang komersyal na larong erotika, Night Life, ay ipinalabas ng Koei noong 1982.[2] Ito ay isang larong graphic adventure,[3] na naglalaman ng mga litratong sekswal.[2] Sa taong din iyon, nagpalabas ulit ng isang erotikang titulo ang Koei, Danchi Tsuma no Yuwaku (Panunulsol ng Condominium Wife), na isang maagang role-playing adventure game na mayroong color graphics,[4][5] na ginagamit ang eight-color palette ng NEC PC-8001 computer. Sumikat ito, na tumulong sa Koei maging isang malaking software company.[6]

Ang ibang kompanya na ngayon ay sikat sa mundo, tulad ng Enix, Square at Nihon Falcom ay nagpalabas din ng mga larong eroge para sa PC-8801 na computer sa mga taon ng 1980s bago sila makilala.[2] Simple lang kadalasan ang kwento ng mga eroge noon, ang iba naman ay nagpapakita ng anal, na laging binabatikos ng medyang Hapones. Sa iilang eroge noon, ang nilalamang kahalayan ay makabuluhang naipapakita sa pamamagitan ng magandang kwento, ngunit ang iba pornograpiya lang ang habol.[2] Pinasikat ng eroge ang PC-8801, ngunit mabilis na nagsawa ang mga mamimili na gumastos ng 8800 yen (3830 PHP) para sa mga simpleng laro. Kinalaunan, bagong mga uri ng eroge ang naimbento, tulad ng Chaos Angels ng ASCII, isang role-playing-eroge na pinagbasehan ng larong Dragon Knight ng Elf at Rance ng AliceSoft.

Noong 1992, inilabas ng Elf ang Dōkyūsei. Laman nito, bago ang erotisismo, kailangan muna ng manlalaro na mapalapit sa isa sa mga babaeng karakter, na ginagawang interactive romance novel ang kwento. Dahil dito, naimbento ang love simulation na uri ng laro. Kinalaunan, ang larong Otogirisou sa Super Famicom ay naakit ang atensyon ng maraming manlalarong Hapones. Ang Otogirisou ay isang larong adventure, ngunit maraming katapusan. Ang konseptong ito ay tinatawag na "sound novel".

Paglalaro

baguhin

Walang natatanging depinisyon para sa paglalaro ng eroge, maliban na ito ay naglalaman ng mga bagay na sekswal. Ito ay kadalasang nakikita sa tuwing napapadpad ang manlalaro sa mga eksenang hentai ng nilalarong karakter habang may ginagawang sekswal sa ibang mga karakter. Kadalasan ang nilalamang sekswal ay ipinapakita bilang isang gantimpala para sa matagumpay na pagtupad ng manlalaro sa mga piling tungkulin. Gaya ng ibang pornograpikong materyal sa Hapon, ang mga eksenang sekswal ay nilalagyan ng takip o sensor, na tinatanggal lamang kung ang laro ay mabibigyan ng lisensya sa labas ng Hapon, maliban kung ito ay ilegal na ginawa sa pamamagitan ng doujin (kadalasang ginagamitan ng mga construction kit gaya ng NScripter o RPG Maker). Dagdag pa, may iilang laro na maaaring makatanggap ng bersyong pangkalahatan, gaya na lamang kung ito ay isasalin sa mga console o mga handheld device na ipinagbabawal ang pornograpiya, kung saan lahat ng mga eksenang sekswal ay tatanggalin.

Ang paglalaro sa eroge ay kadalasang sa estilo ng isang visual novel o dating sim. Gayon pa man, marami ring uri ng paglalaro ang maaaring maipakita ng eroge, gaya na lamang ng mga role-playing game, mahjong game, o mga puzzle game. May ibang eroge, tulad ng gawang Illusion Soft, ay simulasyon lamang ng pakikipagtalik, nang walang kahit anong nilalamang kinaugaliang paglalaro.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wood, Andrea. "Choose Your Own Queer Erotic Adventure: Young Adults, Boys Love Computer Games, and the Sexual Politics of Visual Play". Sa Kenneth B. Kidd, Michelle Ann Abate (pat.). Over the rainbow : queer children's and young adult literature. University of Michigan Press. pp. 354–379. ISBN 978-0-472-07146-3.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Retro Japanese Computers: Gaming's Final Frontier, Hardcore Gaming 101, reprinted from Retro Gamer, Issue 67, 2009
  3. Jones, Matthew T. (Disyembre 2005). "The Impact of Telepresence on Cultural Transmission through Bishoujo Games" (PDF). PsychNology Journal. 3 (3): 292–311. ISSN 1720-7525. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-06-20. Nakuha noong 2015-11-22.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Danchizuma no Yuuwaku". Legendra. Nakuha noong 2011-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Danchi-zuma no Yuuwaku". GameSpot. Nakuha noong 2011-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Pesimo, Rudyard Contretas (2007). "'Asianizing' Animation in Asia: Digital Content Identity Construction Within the Animation Landscapes of Japan and Thailand" (PDF). Reflections on the Human Condition: Change, Conflict and Modernity - The Work of the 2004/2005 API Fellows. The Nippon Foundation. pp. 124–160. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-04-18. Nakuha noong 2015-11-22. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)