Erotisismo

katangian na nakapagbibigay ng mga sekswal na pakiramdam

Ang Erotisismo (mula sa Griyegong ἔρως, eros—"pagnanais" o "pagnanasa") ay pangakalahatang nauunawaan bilang isang kalagayan ng pagkaantig na seksuwal o pag-asam nito - isang mapilit na bugso o impulso, kagustuhan[1], o nakagawiang mga kaisipan, pati na bilang isang pagmumuni-muning pampilosopiya na nakatuon sa estetika ng kanaisang pangpagtatalik at maromansang pagmamahal. Sa kanyang pagpapakilala sa kanyang aklat na Totally Heterotica, ang alagad ng sining na pang-erotisismo at teoristang lesbiyana na si Susie Bright ay nagsaad ng ganito: 'ang pinaka salitang erotic ay nagpapahiwatig ng nakatataas na halaga, pinong sining, isang estetiko na nagpapataas sa isipan at nagkataong kinahahantungan ng pag-antig ng katawan'.[2] Bilang pagdiriin ng nobelistang Pranses na si Honore de Balzac, ang erotisismo ay nakadepende hindi lamang sa moralidad na pangseks ng isang indibiduwal[3], subalit pati na rin sa kultura[4] at kapanahunan[5] na kinapapalooban o kinapapamahayan ng indibiduwal na iyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Eroticism". Merriam-Webster. Nakuha noong 7 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Susie Bright, "Introduction", Susie Bright/Joani Blank, Totally Heterotica (New York 1995) p. 3
  3. Balzac, “The Physiology of Marriage” (1826), isinalit ni Sharon Marcus (1997), Aphorism XXVI, 65
  4. Grande, L., "Laws and Attitudes towards Homosexuality from Antiquity to the Modern Era", Ponte 43:4-5 (1987), pp. 122-129
  5. Gauthier, Albert, "La sodomie dans le droit canonique médiéval" sa L'Érotisme au Moyen Âge: Études présentées au IIe Colloque de l'Institut d'Études Médiévales, 3-4 Avril 1976, ed. Roy, Bruno (Montréal: Ed. Aurore, 1977), pp. 109-122